Isaias35

Ang Kaligayahan ng mga Iniligtas

1Ang disyerto at ang tuyong lupaay matutuwa nasa mga araw na iyon;ang ilang ay magagalakat mamumukadkad.Katulad ng mga halaman sa tagsibol,2aawit at sisigaw ito sa tuwa,at mamumukadkadang maraming bulaklak nito.Magiging maganda itokatulad ng Bundok ng Lebanon,at mamumunga ito nang saganakatulad ng kapatagan ng Carmel at Saron.At mahahayag dito ang kapangyarihanat kadakilaan ng Panginoonna ating Diyos.
3Kaya palakasin ninyoang mga nanghihina.4Sabihin ninyo sa mga natatakot,“Huwag kayong matakot.Lakasan ninyo ang inyong loob.Darating ang inyong Diyospara maghiganti sa inyong mga kaaway,at ililigtas niya kayo.”
5At kapag nangyari na ito,makakakita na ang mga bulagat makakarinig na ang mga bingi.6Lulundag ang mga pilayna parang usaat sisigaw sa tuwa ang mga pipi.Aagos ang tubig sa disyertoat dadaloy ang tubig sa mga sapa sa ilang.7Ang mainit na buhanginanay magiging tubigan.At sa tigang na lupainay bubukal ang tubig.Tutubo ang sari-saring damosa lugar na tinitirhan noonng mga asong-gubat. 8Magkakaroon ng maluwangna lansangan sa ilangat iyon ay tatawaging,“Banal na Lansangan.”Walang makasalanan o hangalna makakadaan doon,kundi ang mga sumusunod lamangsa pamamaraan ng Panginoon.9Walang leono anumang mababangisna hayop ang makakadaan doonkundi ang mga tinubos  lamangng Panginoon.10Ang mga tinubos ng Panginoonay magbabalik.Papasok sila sa Zion na umaawit;ang wagas na kagalakaʼykorona sa kanilang mga ulo.Ang kagalakan at kaligayahaʼykanilang makakamtan,at ang kalungkutan at panghihinayangay mawawala nang tuluyan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3