Isaias33
Tutulungan ng Diyos ang Kanyang mga Mamamayan
1Nakakaawa kayong mga nangwawasakna hindi pa nakaranas ng pagkawasak.Nakakaawa kayo, kayong mga taksil,na hindi pa napagtataksilan.Kapag natapos na ang inyongpangwawasak at pagtataksil,kayo naman ang wawasakinat pagtataksilan.2Panginoon, kaawaan nʼyo po kami.Nagtitiwala kami sa inyo.Palakasin nʼyo kami araw-araw,at iligtas sa panahon ng kaguluhan.3Tumatakas ang mga taosa dagundong ng inyong tinig.Kapag kayoʼy tumayo upang magparusa,ang mga bansaʼy nagkakawatak-watak.4Sasamsamin ang kanilang mga ari-arian,at matutulad sila sa halamangsinalakay ng balang.5Ang Panginoon ay dakila sa lahat!Siyaʼy naninirahan sa langit.Paiiralin niya ang katarunganat katuwiran sa Jerusalem.6Siya ang magpapatatag sa inyo.Ililigtas niya kayo at bibigyanng karunungan at kaalaman.At ang mahalagang kayamanan ninyoay ang pagkatakot sa Panginoon.7Makinig kayo!Ang matatapang nʼyong mamamayanay humihingi ng saklolosa mga lansangan.Ang inyong mga sugopara sa kapayapaanay umiiyak sa pagsisikapna mapanatili ang kapayapaan.8Wala nang dumadaano lumalakad sa mga lansangan.Nilalabag na ang kasunduanat hindi na pinahahalagahanang mga saksi nito. Wala nang taong iginagalang.9Kawawa ang lupain ng Israel.Nalalanta ang mga puno ng Lebanon,at napapahiya.Naging ilang ang kapataganng Saron.Nalalaglag ang mga dahonng mga puno sa Bashan at sa Carmel.10Sinabi ng Panginoon,“Kikilos na ako ngayon,at dadakilain ako ng mga tao.11Kayong mga taga-Asiria,walang kabuluhan ang inyong mga planoat mga ginagawa.Ang nag-aapoy ninyong galit ang tutupok sa inyo.12Masusunog kayo hanggang sa magingtulad kayo ng apog.Matutulad kayo sa matitinik na mga halamangpinutol at sinunog.”13Kayong mga bansa, malapit man o malayo,pakinggan ninyo ang mga ginawa koat kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.14Nanginginig sa takot ang mga makasalanansa Zion.Sabi nila, “Ang Diyos ay parang nagliliyabna apoy na hindi namamatay.Sino sa atin ang makakatagalsa presensya ng Diyos?”15Ang makakatagal ay ang mga taongnamumuhay nang matuwidat hindi nagsisinungaling,hindi gahaman sa salapio tumatanggap ng suhol.Hindi sila nakikiisasa mga mamamatay-taoat hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain.16Ganyang klase ang mga taongnakatira sa matataas na lugar,at ang kanilang kanlunganay ang malalaking bato.Hindi sila mawawalanng pagkain at inumin.17Makikita ninyo ang isangmakapangyarihang harina namamahalasa napakalawak na kaharian.18Maaalala ninyo ang nakakatakot na arawnang dumating sa inyoang mga pinuno ng Asiriaat binilang ang inyong mga toreat kung ilang ari-arianang makukuha nila sa inyo.19Ngunit hindi na ninyo makikitaang mga mayayabang na iyon,na ang salita nilaay hindi ninyo maintindihan.20Tingnan ninyo ang Zion, ang Jerusalem,ang lungsod na pinagdarausan natinng ating mga pista.Makikita na magiging mapayapang lugarat magandang tirahan ito.Itoʼy magiging parang toldang matibay,na ang mga tulos ay hindi mabunotat ang mga tali ay hindi malagot.21Ipapakita rito sa atin ng Panginoonna siyaʼy makapangyarihan.Ang Jerusalem ay parang isang lugarna may malawak na ilog at batis,na hindi matatawidng mga sasakyan ng mga kaaway.22Gagawin ito ng Panginoondahil siya ang ating hukom, mambabatas, at siya ang ating hari.Siya ang magliligtas sa atin.23Ang Jerusalem ngayonay parang sasakyang pandagatna maluwag ang mga tali at palo,at hindi mailadlad ang layag.Ngunit darating ang araw na maraming ari-arianang sasamsamin ng Jerusalemsa kanyang mga kaaway.Kahit ang mga pilayay bibigyan ng bahagi.24Wala nang mamamayan sa Jerusalemna magsasabi, “May sakit ako.”Patatawarin sila ng Diyossa kanilang mga kasalanan.Biblica, Inc.