Isaias32

Ang Paghahari ng Katuwiran

1May isang hari na mamumunonang matuwid,at ang kanyang mga opisyalay mamamahala nang may katarungan.2Ang bawat isasa kanilaʼy magiging kanlungansa malakas na hangin at bagyo.Katulad sila ng ilogna dumadaloy sa disyerto,o kayaʼy anino ng malaking batona lumililim sa tuyong lupain.
3Ang mga mata ng mga may paninginay makakakita na nang tuluyan,at ang mga tainga ng mga may pandinigay makakarinig na nang mabuti.4Ang taong pabigla-biglaay mag-iisip nang mabutipara malaman niyaang kanyang gagawin.Ang taong hindi alamkung ano ang sasabihinay makakapagsalitanang mabuti at malinaw.5Ang mga hangalay hindi na dadakilain,at ang mga mandarayaay hindi na igagalang.6Sapagkat kahangalanang sinasabi ng hangal,at ang masama niyang isipanay nagbabalak na gumawang mga kasamaan.Nilalapastangan niya ang Panginoon,at pinagkakaitan ang mganagugutom at nauuhaw.7Masama ang pamamaraanng mandaraya.Ipinapahamak niyaang mga dukha sa pamamagitanng kanyang kasinungalingan,kahit na sa panahon ng paghinging mga ito ng katarungan.8Ngunit ang taong marangalay may hangarinna palaging gumawa ng mabuti,at itoʼy kanyang tinutupad.

Ang mga Kababaihan ng Jerusalem

9Kayong mga babaeng kampante,bumangon kayo at pakinggan ninyo ako!Kayong mga dalaganglabis ang tiwala sa sarili,makinig kayo sa sasabihin ko!10Makalipas ang isang taon,mababagabag kayongmga may tiwala sa sarilidahil hindi na mamumungaang mga ubasat wala na kayong mapipitas.11Matagal na kayong pabayaat walang pakialam.Ngayon manginig na kayo sa takot.Hubarin ninyo ang inyong mga damitat magbigkis ng sako sa inyong baywang.12Dagukan ninyo ang inyong dibdibsa kalungkutandahil sa mangyayarisa inyong masaganang bukirinat mabungang ubasan.13Ang lupain ng aking mga mamamayanay tutubuan ng mga damoat matitinik na halaman,iyakan ninyo ang dating masayang tahananat sa lungsod na datiʼy puno ng galak.14Ang mataong lungsodat ang mga tanggulanay hindi na titirhan.Ang burol at ang bantayang tore nitoay magigingparang ilang magpakailanman.Itoʼy magiging tirahanng mga maiilap na asnoat pastulan ng kawan ng tupa.15Mangyayari ito hanggangsa ipadala sa atinang Espiritu mula sa langit.Kung magkagayon, ang ilangay magiging matabang lupainat ang matabang lupainay magiging kagubatan.16Lalaganap ang katarungan at katuwiransa ilang at matabang lupain.17At ang bunga ng katuwiranay ang mabuting kalagayan,kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.18Kayong mga mamamayan ng Diyosay titira sa mapayapang tahananat ligtas sa kapahamakan.At wala nang gagambala sa inyo.19Kahit masisira ang kagubatanat ang lungsod dahil umuulan ng yelona parang bato,20pagpapalain kayo ng Diyos.Magiging masagana ang tubigpara sa mga pananim,at ang inyong mga baka at asnoay malayang manginginain kahit saan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3