Isaias31
Kahabag-habag ang mga Umaasa sa Ehipto
1Kahabag-habag kayong humihinging tulong sa Ehipto.Umaasa kayosa mabibilis nilang kabayo,sa marami nilang karwahe,at malalakas na sundalong nangangabayo.Ngunit hindi kayo nagtitiwalasa Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israel,at hindi kayo humihinging tulong sa kanya.2Sa karunungan ng Diyos,magpapadala siya ng salot,at talagang gagawin niyaang kanyang sinabi.Paparusahan niyaang pamilya ng masasamaat ang mga tumutulong sa kanila.3Ang mga taga-Ehiptoay mga tao lang din at hindi Diyos.Ang mga kabayo nilaʼyhindi naman mga espiritu,kundi tulad lang dinng ibang mga kabayo.Kapag nagparusa na ang Panginoon,mawawasak ang Ehiptopati ang mga bansa na tinulungan nito.Pare-pareho silang mawawasak.4Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon,“Walang makakapigil sa leonsa paglapa niya sa kanyang biktimakahit na magsisigaw paang mga nagbabantay ng mga hayop.Katulad ko rin, walang makakapigil sa akinpara ingatan ang Bundok ng Zion.5Ako ang Panginoon ng mga Hukbo,babantayan ko ang Jerusalemna parang ibong nagbabantaysa kanyang pugad.Iingatan ko ito, ililigtas,at hindi pababayaan.”6Mga Israelita, magbalik-loob kayo sa Panginoon na labis na ninyong sinuway.7Sapagkat darating ang araw na itatakwil ninyo ang inyong mga diyos-diyosang pilak at ginto na kayo mismo ang gumawa dahil sa inyong pagiging makasalanan.8Mamamatay ang mga taga-Asiria,ngunit hindi sa pamamagitanng espada ng tao.Tatakas sila mula sa digmaan,at magiging alipin ang kanilangmga kabataan.9Tatakas ang kanilang mga kawal dahil sa takot,pati ang kanilang mga pinunoay hindi na malaman ang gagawinkapag nakita nilaang bandila ng kanilang mga kaaway.Iyan ang sinabi ng Panginoon,na ang kanyang apoyay nagniningas sa Zion,ang lungsod ng Jerusalem.Biblica, Inc.