Isaias30
Kahabag-habag ang Bansang Suwail
1Sinabi ng Panginoon,“Kahabag-habag ang aking mga anakna suwail.Gumagawa sila ng mga plano na hindi naaayonsa kalooban ko.Nakikipagkasundo sila nahindi pinapatnubayan ng aking Espiritu.Kaya ang kasalanan nilaʼynadadagdagan pang lalo.2Pumunta sila sa Ehiptona hindi sumangguni sa akinpara humingi ng proteksyon sa Faraonat kanlungan sa bayang iyon.3Ngunit ang proteksyon ng Faraonay magdudulot ng kahihiyandahil mabibigo kayo sa hinahangad na tulong.4Sapagkat kahit na maymga namumunong opisyalng Faraon sa Zoanat nakarating ang mensahero niyahanggang sa Hanes,5mapapahiya lang ang Judadahil sa mga taga-Ehiptongwalang pakinabangat wala namang maitutulong sa kanila,sa halip, kabiguan at kahihiyanang matatamo nila.”6Ito ang pahayag ng Diyos tungkol sa mga hayop sa Negeb:Nilakbay ng mga taga-Judaang ilang na mahirap lakbayinkung saan may mga leon,mga ulupong at lumilipadna mga makamandag na ahas.Ikinakarga nila ang kanilang mga kayamanansa mga asno at mga kamelyo,para ihandog sa bansanghindi man lang makatulong sa kanila.7Ang bansang iyon ay ang Ehipto,na ang tulong ay walang silbi.Kaya tinatawag ko itong“Dragon na Inutil.”8“Halika, iukit mo sa tapyas na bato,isulat mo sa aklat,upang sa darating na panahonay magsisilbi itong saksi.9Sapagkat mga rebelde sila, sinungaling,at ayaw makinig sa mga aral ko.10Sinabi nila sa mga propeta,‘Huwag na ninyong sabihin sa aminang tungkol sa mga pahayagng Diyos sa inyo.Huwag na ninyong sabihinsa amin ang tama.Sabihin nʼyo sa amin ang mga bagayna makapagpapasaya sa aminat mga pangitain na hindi mangyayari.11Umalis kayo sa aming dinadaanan,huwag ninyo kaming harangan.Huwag na ninyong sabihin sa aminang tungkol sa Banal na Diyos ng Israel.’ ”12Kaya sinabi ng Banal na Diyos ng Israel,“Dahil sa itinakwil ninyo ang aking mensaheat nagtiwala kayo sa pang-aapiat pandaraya,13bigla kayong malilipol.Ang inyong mga kasalananay katulad ng bitak na biglang wawasaksa mataas na pader sa isang iglap.14Madudurog kayo na parang palayok,na sa lakas ng pagbagsakay wala man langkahit kapirasong mapaglagyanng baga o maipansalok ng tubig.”15Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel,“Magbalik-loob kayosa akin at pumanatag,dahil ililigtas ko kayo.Huwag kayong mabahalakundi magtiwala sa akin,dahil palalakasin ko kayo.Ngunit tumanggi kayo16at sinabi ninyo,‘Hindi! Makakatakas kamisakay ng aming kabayo.’Oo, makakatakas nga kayo!Dagdag pa ninyo, ‘Sasakay kamisa mabibilis naming kabayo.’Kaya mabibilis dinang mga hahabol sa inyo.17Sa banta ng isa, isang libong sundaloang makakatakas sa inyo.Sa banta ng lima,makakatakas kayong lahat.Matutulad kayosa nakatayong bandilana nag-iisa sa tuktok ng bundok.”18Ngunit naghihintay ang Panginoonna kayoʼy lumapit sa kanyapara kaawaan niya kayo.Nakahanda siyang ipadama sa inyoang kanyang pagmamalasakit.Sapagkat ang Panginoonay Diyos na makatarungan,at mapalad ang nagtitiwalasa kanya.19Kayong mga taga-Zion, na mga mamamayan ng Jerusalem, hindi na kayo muling iiyak! Kaaawaan kayo ng Panginoon kung hihingi kayo ng tulong sa kanya. Kapag narinig niya ang inyong panalangin, sasagutin niya kayo.20Para kayong pinakain at pinainom ng Panginoon ng kapighatian at paghihirap. Ngunit kahit na ginawa niya ito sa inyo, siya, na guro ninyo ay hindi magtatago sa inyo. Makikita ninyo siya,21at maririnig ninyo ang kanyang tinig na magtuturo sa inyo ng tamang daan, saan man kayo naroroon.22Ituring na ninyong marumi ang inyong mga diyos-diyosang gawa sa pilak at ginto. Itapon nʼyo na parang napakaruming basahan at sabihin, “Ayaw ko nang makita kayo!”23Bibigyan kayo ng Panginoon ng ulan sa panahon ng pagtatanim, at magiging sagana ang inyong ani. At ang inyong mga hayop ay manginginain sa malawak na pastulan.24Ang mga baka ninyo at asnong pang-araro ay kakain ng pinakamainam na pagkain ng hayop na maayos na natahipan para mahiwalay ang ipa gamit ang kalaykay at pala.25Sa mga araw na iyon na papatayin ang inyong mga kaaway at wawasakin ang kanilang mga muog, dadaloy ang tubig mula sa bawat matataas na bundok.26Liliwanag ang buwan na parang araw. Ang araw naman ay magliliwanag ng pitong ibayo, na parang liwanag ng pitong araw na pinagsama-sama sa iisang araw. Mangyayari ito sa araw na gagamutin at pagagalingin ng Panginoon ang sugat ng kanyang mga mamamayan.27Makinig kayo! Dumarating ang Panginoonmula sa malayo.Nag-aapoy siya sa galitat nasa gitna ng usok.Ang mga labi niyang nanginginig sa galitay parang nagliliyab na apoy.28Ang kanyang hiningaay parang malakas na agosna umaabot hanggang leeg.Nililipol niya ang mga bansana parang sinasalang trigo.Para silang mga hayopna nilagyan ng bokado at hinila.29Ngunit kayong mga mamamayanng Diyos ay aawit,katulad ng ginagawa ninyosa gabi ng banal na pistang pagpaparangal sa Panginoon.Magagalak kayo katuladng taong nagmamartsasa tunog ng plauta habang naglalakadpatungo sa Bundok ng Panginoonpara sambahin siya,ang Batong kanlungan ng Israel.30Ipaparinig ng Panginoonang kanyang makapangyarihang tinig.At ipapakita niya ang kanyang kamayna handa nang magparusasa tindi ng kanyang galit.Sasabayan ito ng nagliliyab na apoy,biglang pagbuhos ng ulan,pagkulog at pagkidlat, at pag-ulan ng yelona parang mga bato.31Tiyak na matatakot ang mga taga-Asiriakapag narinig nilaang tinig ng Panginoonna magpaparusa sa kanila.32Ang bawat hampas ng pamalong Panginoonupang silaʼy parusahanay sinasabayan ng tugtuginng mga tamburin at lira,habang nilalabanan niya silagamit ang kanyang mga bisig.33Matagal nang nakahanda ang lugarna pagsusunugan sa hari ng Asiria.Maluwang ito at malalim,at handa na ang napakaraming panggatong.Ang hininga ng Panginoonna parang nagniningas na asupreang magpapaningas ng mga panggatong.Biblica, Inc.