Isaias29

Ang Mensahe tungkol sa Jerusalem

1Nakakaawa ang Jerusalem  ,ang lungsod kung saannanirahan si David!Sige, hayaang ipagdiwangsa bawat taonang kanyang mga pista.2Ngunit lulusubin ko ito,at mag-iiyakan at mananaghoyang kanyang mga mamamayan.Itoʼy magiging parang altarna puno ng dugo  sa akin.3Kukubkubin ko ang lungsod ng Jerusalem.Paliligiran ko ito ng toreng panalakayat patatambakan ng lupasa gilid ng mga paderpara maakyat ito.4Ibabagsak ka nang tuluyanat sa ibabaw ng lupa ka magsasalita;sa alikabok magmumulaang iyong mga bulong.Ang tinig moʼy tila multongmanggagaling sa kailaliman ng lupa,sa alikabok ang salita moʼyparang huni ng ibon.
5Ngunit darating ang arawna ang marami niyang malulupit na kaawayay magiging parang alikaboko ipa na tatangayin ng hangin.Bigla itong mangyayari sa kanila.6Ang Jerusalem ay aalalahanin ko,at ako ang Panginoon ng mga Hukbo,ay darating na may kulog, lindol, ingay,buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.7Ang maraming bansang kumakalabansa Jerusalem,na sumasalakay sa kanyaat gumigiba sa kanyang tanggulanay mawawalang katuladng isang panaginipo ng isang pangitain sa gabi.8Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain,ngunit nang magising ay gutom pa rin;katulad ng taong nanaginip na umiinom,ngunit nang magising ay uhaw pa rin.Ganoon ang sasapitin ng lahatng mga bansangkumakalaban sa Zion.
9Magugulat kayo at mamamangha,magpakabulag at tuluyanghindi makakita.Malalasing kayo,ngunit hindi dahil sa ubas,at magsusuray-suray,ngunit hindi dahil sa alak.10Sapagkat para kayong pinatulogng Panginoon nang mahimbing.Ipinikit niya ang mata ng inyong mga propeta;tinakpan niya ang ulong inyong mga manghuhula.
11Para sa inyo, ang buong pangitaing ito ay parang mga salita ng isang kasulatang natatakan. Kapag ibinigay mo ito sa marunong bumasa para basahin, sasabihin niya, “Hindi ko iyan mabasa dahil iyan ay natatakan.”12At kapag ibinigay mo naman ito sa hindi marunong bumasa, sasabihin niya, “Hindi ako marunong bumasa.”
13Sinabi ng Panginoon,“Sa salita lamang lumalapitsa akin ang mga taong ito,sa labi lamang ako iginagalang,ngunit ang kanilangmga pusoʼy malayo sa akin.Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan;pawang tuntunin ng taoang kanilang katuruan.14Kaya muli kong ipapamalassa mga taong itoang sunod-sunod na kababalaghan.At maglalaho ang karununganng marurunong,at mawawalang-saysay ang katalinuhanng mga matatalino.”15Nakakaawa kayong mga nagtatagosa Panginoon ng inyong mga plano.Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilimat sinasabi ninyo,“Walang makakakita o makakaalamng ginagawa natin.”16Baluktot ang inyong pag-iisip.Itinuturing ninyong parang putikang magpapalayok.Masasabi ba ng isang gawasa gumawa sa kanya,“Hindi ikaw ang gumawa sa akin?”Masasabi ba ng palayoksa magpapalayok,“Hindi mo alam ang iyong ginagawa?”
17Hindi magtatagal,ang mga kagubatan ng Lebanonay magiging matabang lupain,at ang matabang lupainay magiging kagubatan.18Sa araw na iyon, ang bingiay makakarinig ng binabasang aklat.At ang bulag, na walang nakikitakundi kadilimanay makakakita na.19Muling sasaya ang mga mapagpakumbabaat mga dukha dahil sa Panginoon,ang Banal na Diyos ng Israel.20Sapagkat mawawala ang mga malulupitat ang mga nangungutya.At mamamatay ang lahatng mahilig sa pagkakasala,21pati na ang lahat ng naninira ng kapwa,ang mga nagsisinungalingpara mapaniwala nila ang mga hukom,at ang mga pekeng saksiupang hindi mabigyan ng katarunganang mga walang kasalanan.
22Kaya ang Panginoon, ang Diyos na nagligtas kay Abraham ay nagsabi tungkol sa lahi ni Jacob,“Mula ngayon ang bayang itoay wala nang dapat ikahiya o ikatakot man.23Sapagkat kapag nakita nilaang mga ginawa ko sa kanila,igagalang nila ako,ang Banal na Diyos ni Jacob.At magkakaroon sila ng takot sa Diyos ng Israel.24Ang mga hindi nakakaunawang katotohanan ay makakaunawa na,at ang mga nagrereklamokapag tinuturuan ay matutuwa na.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3