Isaias28
Ang Babala Tungkol sa Samaria
1Nakakaawa ang Samaria,na ang katuladay koronang bulaklakna karangalanng mga lasenggo ng Israel.Ang lungsod ng Samariaay nasa matabang lambak,ngunit ang kanyang kagandahanay mawawala katulad ng bulaklakna nalalanta.2Makinig kayo!Ang Panginoon ay may inihahandangmalakasat makapangyarihang bansana wawasak sa Samaria.Katulad ito ng mapaminsalang bagyoat rumaragasang baha.3Tinapak-tapakan niya ang Samaria,ang koronang bulaklakna karangalan ng mga lasenggo ng Israel.4Ang lungsod na ito ay nasa matabang lambak,ngunit ang kagandahan nitoay mawawalakatulad ng bulaklak na nalalanta.Malalagas agad ito katuladng unang mga bunga ng igosna kinukuha at kinakain agadng bawat makakita.5Sa araw na iyon,ang Panginoon ng mga Hukboay magiging tuladng magandang koronang bulaklakpara sa nalalabi niyang mga mamamayan.6Bibigyan niya ng hangarinang mga hukomna pairalin ang katarungan.At bibigyan niya ng tapangang mga tagapagbantay ng lungsodlaban sa mga kaaway.7Ngunit ngayon, pasuray-surayang mga pari at mga propeta,at wala na sa tamang pag-iisip.Mali ang pagkakaunawang mga propeta sa mga pangitain,at hindi tama ang mga desisyonng mga pari.8Ang mga mesa nilaʼy punong mga suka nilaat walang parteng malinis.9“Ano bang palagay niya sa atin,mga batang kaaawat palamang sa pagsuso?Bakit ganyan ang tinuturo niya sa atin?10Tingnan mo kung magturo siya;paisa-isang letra, paisa-isang linya,at paisa-isang aralin.”11Dahil sa ayaw nilang makinig,makikipag-usap ang Panginoonsa mga taong ito sa pamamagitanng mga dayuhang iba ang wika.12Ito ang sasabihin niya,“Mararanasan ninyo ang kapahingahansa inyong lupain.”Ngunit ayaw nilang makinig.13Kung kaya, tuturuan sila ng Panginoonng paisa-isang letra, paisa-isang linya,at paisa-isang aralin.At sa paglalakad nilaʼy mabubuwal sila,masusugatan, mabibitag, at mahuhuli.14Kaya kayong mga nangungutyang mga pinunong mga mamamayan ng Jerusalem,pakinggan ninyo ang sinasabing Panginoon!15Sapagkat nagmamalaki kayo at nagsasabing,“Nakipagkasundo kami sa kamatayanpara hindi kami mamatay,at nakipagkasundo kamisa lugar ng mga patayupang hindi kami madala roon.Kung kaya, hindi kami mapapahamakkahit na dumating ang mga sakunana parang baha,dahil sa kami ay umaasang maliligtassa pamamagitanng aming pagsisinungalingat pandaraya.”16Kaya ito ang sinabing Makapangyarihang Panginoon:“Makinig kayo! Maglalagay akong batong pundasyon sa Zion,batong maaasahan,matibay, at mahalaga.Ang mga sumasampalataya sa kanyaay huwag maging padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa.17Gagawin kong sukatanang katarungan at katuwiran.Ipapatangay ko sa bagyo at bahaang kasinungalinganna inaasahan ninyong makakapagligtassa inyo.18Magiging walang kabuluhanang pakikipagkasundo ninyo sa kamatayanat ang pakikipagkasundo ninyosa lugar ng mga patay.Sapagkat mapapahamak kayokapag dumating naang mga sakuna na parang baha.19Palagi itong darating sa inyo,araw-araw, sa umaga at sa gabi,at tiyak na mapapahamak kayo.”Matatakot kayo kapag naunawaan ninyoang mensaheng ito.20Sapagkat kayoʼy matutuladsa taong maiksi ang higaanat makitid ang kumot .21Ang totoo, sasalakay ang Panginoonkatulad ng ginawa niyasa Bundok ng Perazimat sa Lambak ng Gibeon.Gagawin niya ang hindi inaasahanng kanyang mga mamamayan.22Kaya ngayon, huwag na kayong mangutya,baka dagdagan pa niyaang parusa niya sa inyo.Sapagkat napakinggan ko mismo ang utosng Panginoong Diyos na Makapangyarihanna wawasakin niyaang inyong buong lupain.23Pakinggan ninyong mabutiang sasabihin ko.24Ang magsasaka baʼy lagina lamang mag-aararoat hindi na magtatanim?25Hindi baʼt kapag handa na ang lupa,sinasabuyan niyang sari-saring binhiang bawat bukid,katulad halimbawa ng mga pampalasa,trigo, sebadaat iba pang mga binhi?26Alam niya ang dapat niyang gawindahil tinuturuan siya ng Diyos.27Hindi niya ginagamitanng mabibigat na panggiiko gulong ng karitonang mga inaning pampalasa,kundi pinapagpag niyao pinapalo ng patpat.28Ang trigo na ginagawang tinapayay madaling madurogkaya hindi niya ito gaanong ginigiik.Ginagamitan niya itong karitong panggiik,ngunit sinisiguro niyanghindi ito madudurog.29Ang kaalamang itoay mula sa Panginoon ng mga Hukbo.Napakabuti ng kanyang mga payo,at kahanga-hangaang kanyang kaalaman.Biblica, Inc.