Isaias27

Ang Pagliligtas sa Israel

1Sa araw na iyon,gagamitin ng Panginoonang kanyang matalimat makapangyarihang espadaupang parusahan ang Leviatan,ang dragon sa karagatanat papatayin ang maliksiat gumagapang na dambuhala sa dagat.
2“Sa araw na iyon,aawit kayo tungkol sa ubasanna umaani nang sagana.3Ako ang Panginoonna nag-aalaga ng ubasan.Dinidiligan ko ito.Araw-gabi ko itong binabantayanupang walang sinumang manira nito.4Hindi na ako galitsa ubasang ito.Ngunit sa sandaling may makita akongmga halamang may tinik,tatanggalin ko iyon at susunugin.5Ngunit kung nanaisin nilangakin silang alagaan,ang kailangan lang nilang gawinay makipagkasundo sa akin.”
6Darating ang araw na ang mga mamamayanng Israel na lahi ni Jacobay magkakaugat tulad ng halaman.Magkakasanga ito, mamumulaklak,at mamumunga ng maramiat pupunuin ang buong mundo.
7Hindi pinaparusahan ng Diyos ang Israelkatulad ng pagpaparusa niyaat pagpatay sa mga kaaway nila.8Ipinabihag ng Panginoonang kanyang mga mamamayanbilang parusa sa kanila.Ipinatangay niya silasa napakalakas na hanginmula sa silangan.9Mapapatawad lang silakung gigibain nilaang kanilang mga altar na batoat kung didikdikin ang mga ito ng pinoat itatapon ang mga posteng imahenni Ashera,at ang mga altar na pinagsusunugan nilang insenso.10Nawasak na ang tanggulang lungsod.Para na itong ilang.Wala nang nakatira rito.Naging pastulan na lang itoat pahingahan ng mga baka.Inubos ng mga bakaang mga dahon ng mga sanga.11At nang mabali at matuyo ang mga sanga,tinipon ito ng mga babaeat ginawang panggatong.Dahil sa walang pang-unawaang mga taong ito,hindi sila kaaawaan ng Diyosna lumikha sa kanila.
12Sa araw na iyon, ihihiwalay ng Panginoon ang mga Israelita at titipunin niya isa-isa mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa daluyan ng tubig ng Ehipto na parang nagtitipon ng mga butil sa giikan.13At sa araw na iyon, tutunog ang dakilang trumpeta. Silang mga ikinalat na naghihirap sa Asiria at mga bihag sa Ehipto ay darating at sasamba sa Panginoon sa banal na bundok sa Jerusalem.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3