Isaias26

Awit ng Papuri sa Diyos

1Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda:Matatag na ang ating lungsod!Ang Pagliligtas ng Diyosay parang paderna nakapalibot sa atin.2Buksan ang mga pintuan ng lungsodpara makapasok ang bansang matuwidat tapat sa Panginoon.3Panginoon, bigyan nʼyonang lubos na kapayapaanang taong kayo lagi ang iniisipdahil nagtitiwala siya sa inyo.4Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,dahil siya ang ating Batongkanlungan magpakailanman.5Ang totoo, ibinabagsak niyaang mga mapagmataas.Winawasak niya ang kanilang lungsodhanggang sa madurog sa lupa.6At itoʼy tinatapak-tapakanng mga dukha na kanilang inapi.
7Patag ang daan ng taong matuwid,at kayo, Panginoong matuwid,ang nagpatag nito.8Panginoon, sinunod naminang inyong mga utos,at nagtiwala kami sa inyo.Hangad naming kayoay aming maparangalan.9Buong puso kitang hinahanap-hanapsa tuwing gabi at pati sa umaga.Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,matututo silang mamuhay nang matuwid.10Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasamâ,hindi pa rin sila natututongmamuhay nang matuwid.Kahit na naninirahan silangkasama ng mga matuwid,patuloy pa rin sila sa kanilanggawaing masama,at hindi nila kinikilalaang inyong kadakilaan.11Panginoon, nakahanda na po kayongmagparusa sa kanila,ngunit hindi nila alam.Ipaalam ninyo sa kanila, Panginoon.Ilagay po ninyo sila sa kahihiyan.Ipakita ninyo sa kanilakung gaano ninyo kamahalang inyong mga mamamayan.Lipulin po ninyosa pamamagitan ng inyong apoyang inyong mga kaaway.
12Panginoon, dalhin po ninyo kamisa mabuting kalagayan,sapagkat ang lahat ng aming nagagawaay nagagawa namin sa tulong ninyo.13Panginoon na aming Diyos,pinamahalaan kami ng ibang panginoon,ngunit kayo lang ang aming sinasamba.14Patay na sila ngayonat hindi na mabubuhay pa.Pinarusahan nʼyo sila at pinataypara malimutan at hindi na maaalala pa.15Panginoon, pinalawak ninyoang aming bansa.Pinalapad ninyoang aming mga hangganan,at itoʼy nagbigay sa inyo ng karangalan.
16Panginoon, pinarusahan nʼyoang iyong mga mamamayan,at sa kanilang mga paghihirapay dumulog at tumawag sila sa inyo.17Panginoon, kitang-kita nʼyoang aming paghihirap.Tulad kami ng isang babaeng nanganganak,na napapasigaw dahil sa tindi ng sakit.18Dumaing kami dahil sa hirap,ngunit walang nangyari sa aming daing.Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain,at wala kaming ipinanganakna maninirahan sa mundo.
19Ngunit muling mabubuhayang inyong mga mamamayang namatay.Babangon ang kanilang mga bangkayat aawit sa galak.Kung papaanong ang hamogay nagpapalamig ng lupa,kayo rin Panginoonang muling bubuhay sa mga patay.
20Mga kababayan, pumasok kayosa inyong mga tahananat isara ninyo ang inyongmga pintuan.Magtago muna kayohanggang sa mawalaang galit ng Panginoon.21Sapagkat darating ang Panginoonmula sa kanyang tirahanupang parusahan ang mga tao sa mundodahil sa kanilang mga kasalanan.Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay,at hindi na niya itatago pa.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3