Isaias25
Purihin ang Panginoon
1Panginoon, kayo ang aking Diyos!Pupurihin kita at pararangalanang iyong pangalan,sapagkat wagas ang iyong katapatan,ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga,mga gawang binalak monoong unang panahon.2Winawasak mo ang mga lungsodiginuguho mo rin patiang may matitibay na pader.Winasak mo rin ang mga palasyong mga dayuhan,at hindi na nila ito maitatayong muli.3Kaya pararangalan kang mga taong makapangyarihanat igagalang ka ng mga malulupitna mga bansa.4Ikaw ang takbuhan ng mga dukhaat ng mga nangangailangansa panahon ng kahirapan.Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyoat lilim sa panahon ng tag-init.Sapagkat ang paglusobng mga malulupit na taoay parang bagyong humahampas sa pader,5at parang init sa disyerto.Ngunit pinatahimik moang sigawan ng mga dayuhan.Pinatigil mo ang awitanng malulupit na mga tao,na parang init na nawaladahil natakpan ng ulap.6Dito sa Bundok ng Zion,ang Panginoon ng mga Hukboay maghahanda ng isang pigingpara sa lahat.Masasarap na pagkain at inuminang kanyang inihanda,ang pinakamainam sa mga karneat pinakamasarap na alak.7At sa bundok ding ito,papawiin niya ang kalungkutan ng mga tao sa lahat ng bansa.8Ang kamatayan ay kanyangpupuksain magpakailanman.Papahirin ng Makapangyarihang Panginoonang luha sa kanilang mga mata.Aalisin niya ang kahihiyanng kanyang mamamayansa buong mundo.Ang Panginoon ang nagsabi nito.9Sa araw na mangyari ito,sasabihin nila,“Totoo ngang siya ang ating Diyos!Nagtiwala tayo sa kanyaat iniligtas niya tayo.Siya ang Panginoonat umasa tayo sa kanya.Magalak tayoʼt magdiwangdahil tayoʼy iniligtas niya.”10Talagang tutulungan ng Panginoonang Bundok ng Zion,ngunit parurusahan niya ang Moab.Tatapakan niya itong parang dayamisa tapunan ng dumi.11Pagsisikapan nilang makaligtassa kalagayang iyonna parang taong kakampay-kampaysa tubig.Ngunit kahit na magaling silang lumangoy,ilulubog pa rin sila ng Panginoon.Ibabagsak sila dahilsa kanilang pagmamataas.12Wawasakin niyaang kanilang mataasat matibay na paderhanggang sa madurogat kumalat ito sa lupa.Biblica, Inc.