Isaias24
Parurusahan ng Diyos ang Mundo
1Makinig kayo!Wawasakin ng Panginoon ang mundo hanggang sa hindi naito mapakinabangan.Sisirain niya ang ibabaw nitoat ikakalat niyaang mga mamamayan nito.2Iisa ang sasapitin ng lahat:pari man o mamamayan,amo man o alipin,nagtitinda man o bumibili,nagpapautang man o umuutang.3Lubusang mawawasak ang mundoat walang matitira rito.Ang Panginoon ang nagsabi nito.4Matutuyo at titigas ang lupa.Manlulumo ang buong mundopati na ang mga kilalaat makapangyarihang mga tao.5Ang mundo ay dinungisanng mga mamamayan nito,dahil hindi nila sinunodang Kautusan ng Diyosat ang kanyang mga tuntunin.Nilabag nila ang walang hanggang kasunduanng Diyos sa kanila.6Kaya isusumpa ng Diyos ang mundo,at mananagot ang mga mamamayan nitodahil sa kanilang mga kasalanan.Susunugin silaat iilan lang ang matitira.7Malalanta ang mga ubas,at mauubos ang alak na galing dito.Ang lahat ng nagsasayaay mapapabuntong-hininga.8Titigil ang masayahingtunog ng mga tamburin,mawawala ang ingayng mga taong nagdiriwang,at tatahimik ang masayahingtunog ng alpa.9Mawawala ang awitansa kanilang pag-iinuman,at ang inumin ay magiging mapait.10Ang nawasak na lungsoday mapapabayaan.Isasara ang pintuanng bawat tahanan.11Sisigaw ang mga tao sa lansangan,na naghahanap ng alak.Ang kanilang kaligayahanay mapapalitan ng kalungkutan.Ang kasiyahan ay maglalahosa balat ng lupa.12Ang lungsod ay mananatiling wasak,pati ang mga pintuan nito ay sira-sira.13Iilan na lamang ang matitirang taosa lahat ng bansa sa mundo,tulad ng puno ng olibona nalagas ang bungao ng ubasang kaunti ang naiwanpagkatapos ng anihan.14Ang mga matitirang tao ay sisigawat aawit nang may kaligayahan.Ang mga nasa kanluran ay magpapahayagtungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.15Kaya nararapat ding purihinng mga tao sa silanganat ng mga lugar na malapit sa dagat ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.16Maririnig ang awitansa ibaʼt ibang sulok ng mundo,“Luwalhati sa Diyos na Makatarungan.”Ngunit kahabag-habag ako.Akoʼy nanghihina!Nagtataksil ang mga taksil!Patuloy ang paggawa nila ng kataksilan!17Kayong mga mamamayanng mga bansa sa buong mundo,naghihintay sa inyo ang takot,hukay, at bitag.18Ang tumatakas dahil sa takotay mahuhulog sa hukayat mabibitag ang mga lumalabas dito.Uulan nang malakasat mayayanig ang pundasyon ng lupa.19Ang daigdig ay lubusang mawawasak;mabibiyak ang lupaat labis itong mayayanig.20At magpapasuray-suray itona parang lasingat parang kubong gumagalaw-galawsa ihip ng hangin.Ang lupa ay mabibigatan dahil sa kasalanan,at mawawasak itoat hindi na muling makakabangon.21Sa araw na iyon,parurusahan ng Panginoonang mga makapangyarihangnilalang sa langit ,pati ang mga hari dito sa mundo.22Sama-sama silang ihuhulog sa hukayna katulad ng mga bilanggo.Ikukulong sila sa bilangguang iyonat saka parurusahanpagkatapos ng maraming araw.23Kung magkagayoʼy mamumutla ang buwan,at magtatago sa kahihiyan ang araw,sapagkat ang Panginoon ng mga Hukboay maghaharisa Bundok Zion sa Jerusalem.Mamamahala siyang puno ng kaluwalhatiansa harapan ng mga pinuno nito.Biblica, Inc.