Isaias23
Ang Pahayag Laban sa Tiro at Sidon
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Tiro:Manangis kayong mga barko ng Tarsis.Sapagkat wasak na ang lungsod ng Tiroat wala na ang mga daungan nito.Nanggaling ang balitang itosa lupain ng Cyprus. 2Tumahimik kayong mga naninirahansa tabing-dagatpati na kayong mga mangangalakalng Sidon.Ang inyong mga biyaherona nagpayaman sa inyoay bumibiyahe3sa mga karagatanpara bumili at magbentang mga ani mula sa Shihorna bahagi ng Ilog ng Nilo.At nakikipagkalakalan sa inyoang mga bansa.4Mahiya ka, Sidon,ikaw na kanlunganng mga taong nakatirasa tabing-dagat.Itinatakwil ka na ng karagatan.Sinabi niya, “Wala na akong anak;wala akong inalagaang anak,babae man o lalaki.”5Labis na magdaramdamang mga taga-Ehiptokapag nabalitaan nilaang nangyari sa Tiro.6Umiyak kayo, kayong mga naninirahansa tabing-dagat.Tumawid kayo sa Tarsis.7Noon, masaya ang lungsod ng Tirona itinayo noong unang panahon.Nakaabot ang mga mamamayan nitosa malalayong lupainat sinakop nila ang mga lupaing iyon.Ngunit ano ang nangyarisa kanya ngayon?8Sino ang nagplano ng ganito sa Tiro,ang kinikilalang nagkakaloob ng korona,parang prinsipe ang mga mangangalakal nitoat silaʼy pinararangalan sa buong mundo?9Ang Panginoon ng mga Hukboang nagplano nitopara ibagsak ang nagmamalaking kanyang kapangyarihanat ang mga kinikilalang tanyagsa mundo.10Kayong mga taga-Tarsisay malayang dumaan sa Tiro,katulad ng Ilog ng Nilona malayang dumadaloy,dahil wala nang pipigil sa inyo.11Iniunat ng Panginoonang kanyang kamay sa dagat,at niyanig niya ang mga kaharian.Iniutos niyang wasakinang mga kampo ng Fenicia .12Sinabi ng Panginoon,“Mga mamamayan ng Sidon,tapos na ang maliligayang araw ninyo.“Wasak na kayo!Kahit na tumakas kayo papuntang Cyprus,hindi pa rin kayo magkakaroonng kapahingahan doon.”13Tingnan ninyo ang lupainng mga taga-Babilonia,nasaan na ang mga mamamayan nito?Sinalakay ito ng Asiriaat hinayaang naging tirahanng maiilap na hayop.Itinayo nila ang toreng panglusob,giniba nila ang kanyang mga palasyoat iniwan itong wasak.14Manangis kayong mga barko ng Tarsisdahil nawasak na ang kanlungangpinupuntahan ninyo!15Ang Tiro ay makakalimutan sa loob ng pitumpung taon, kasintagal ng buhay ng isang hari. Ngunit pagkatapos ng panahong iyon, matutulad siya sa isang babaeng bayaran sa awiting ito:16“Kaya kunin mo ang iyong alpaat libutin mo ang buong lungsod,babaeng bayarang kinalimutan na.Tugtugin mo ang alpa nang mahusayat umawit ka ng maraming awitupang ikaw ay maalala.”17Pagkatapos ng pitumpung taon, aalalahanin ng Panginoon ang Tiro. Ngunit muling gagawin ng Tiro ang ginawa niya noon, na katulad ng ginawa ng babaeng bayaran. Gagawa siya ng masama sa lahat ng kaharian ng mundo.18Ngunit sa bandang huli, ang kikitain niyaʼy hindi niya itatabi. Ihahandog niya ito sa Panginoon para ipambili ng maraming pagkain at magagandang klase ng damit para sa mga naglilingkod sa Panginoon.Biblica, Inc.