Isaias22
Ang Pahayag Laban sa Jerusalem
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Lambak ng Pangitain .Ano ang nangyayari?Bakit kayo umaakyat sa mga bubong?2Nagkakagulo at nagsisigawanang mga tao sa bayan.Ang mga namatay sa inyoay hindi sa espadao digmaan namatay.3Ang lahat ninyong pinunoay nagsitakasat nahuli nang walang kalaban-laban.Ang ilan sa inyoay nagtangkang tumakas,ngunit nahuli pa rin.4Kaya sinabi ko,“Ibaling ninyoang inyong paninginat hayaan ninyo akong umiyak.Huwag ninyo akong aliwinpara sa aking mga kababayangnamatay.”5Sapagkat itinakdang Panginoong Diyos na Makapangyarihanang araw na ito ng pagkakagulo,pagkakataranta at pagkatakotsa Lambak ng Pangitain.Ang mga pader nito ay nagbabagsakanat ang sigawan ng mga taoay dinig hanggang sa kabundukan.6Sumasalakay ang mga sundalo ng Elamna sakay ng mga kabayoat may mga pana.Ang mga sundalo ng Kir ay sumasalakay dinna may mga hawak na kalasag.7Ang mga sagana ninyong lambakay puno ng mga karwahe,at ang mga mangangabayoʼynakabantay sa mga pintuang-bayan.8Tinanggal ng Panginoonang mga depensa ng Judaat sa araw na iyon,kayo ay tumingin sa mga sandatangnasa Palasyo ng Gubat.9Tiningnan ninyo ang mga paderng Lungsod ni Davidpara malaman ninyokung nasaan ang mga sira nito.Nag-imbak kayo ng tubigsa imbakan sa ibaba.10Binilang ninyo ang mga bahay sa Jerusalemat giniba ang ilanpara gamitin ang mga batosa pag-aayos ng nagibangpader ng lungsod.11Gumawa kayo ng imbakan ng tubigsa pagitan ng dalawang pader,at itoʼy pinuno ninyo ng tubigmula sa dating imbakan.Ngunit hindi ninyo naisipang Diyos na siyang gumawaat nagplano nito noong una paat niloob niyang mangyari ito.12Nanawagan sa inyoang Panginoong Diyos na Makapangyarihanna kayoʼy magdalamhati, umiyak,magpakalbo at magsuot ng damitna panluksa. 13Sa halip, nagdiwang kayo at nagsaya.Nagkatay kayo ng mga baka at tupa,kumain ng karne at nag-inuman pa.Sabi ninyo,“Kumain tayoʼt uminom,sapagkat mamamatay rin langnaman tayo bukas.”14Sinabi sa akin ng Panginoon ng mga Hukbo na hindi niya kayo patatawarin sa kasalanang ito habang kayoʼy nabubuhay.Ang Mensahe para kay Shebna
15Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa akin:“Puntahan mo si Shebnaang katiwalang nangangasiwa sa palasyoat sabihin sa kanya:16Sino ka ba sa akala mo,at ano ang ginagawa mo rito,gumagawa ng iyong libingansa gilid ng bundok,at umuukit ng iyong himlayansa malaking bato?17“Mag-ingat ka!Kahit na ikaw ay makapangyarihan,huhulihin at itatapon ka ng Panginoon.18Igugulong ka niyang parang isang bola,at ihahagis sa malawak na lupain.Doon ka mamamatay,kasama ng mga magagarangkarwaheng ipinagmamalaki mo,at sa iyong panginoon,ikaʼy magiging kahihiyan.19Paaalisin kita sa iyong katungkulan,tatanggalin kita sa iyong kinalalagyan.20“Sa araw na iyon, tatawagin ko ang lingkod kong si Eliakim na anak ni Hilkias.21Ipapasuot ko sa kanya ang damit mong pang-opisyal pati ang iyong sinturon, at ibibigay ko sa kanya ang kapangyarihan mo. Siya ang magiging ama ng mga taga-Jerusalem at taga-Juda.22Ibibigay ko sa kanya ang susi ng kaharian ni David. Kapag binuksan niya ang pintuan, walang makapagsasara nito, at kapag isinara niya, walang makapagbubukas nito.23Itatatag ko siyang tulad ng pakong sabitan na matatag ang pagkabaon sa pader, at siyaʼy magbibigay karangalan sa kanyang pamilya.24Isasalalay sa kanya ang karangalan ng kanyang buong pamilya: lahat ng mga supling at sanga nito. Sa sabitang ito nakabitin ang mga sisidlan, mula sa mga maliliit na tasa, sa mga mangkok hanggang sa mga garapon.25“Sa araw na iyon,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “mahuhulog siya at mawawasak ang lahat ng nakasabit sa kanya.” Ang Panginoon ang nagsasabi nito.Biblica, Inc.