Isaias21
Ang Pahayag Laban sa Babilonia
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Babilonia :Sasalakay ang mga kaawayna parang buhawi.Dadaan ito sa Negeb mula sa ilang,sa nakakapangilabot na lupain.2Nakita ko ang isang kakila-kilabotna pangitaintungkol sa kataksilan at kapahamakan.Kayong mga taga-Elam at taga-Media,palibutan ninyo ang Babiloniaat salakayin!Wawakasan na ng Diyosang pagpapahirap niya sa ibang bansa.3Dahil ditoʼy nakadama akong matinding kirot sa balakang,sumakit ang aking katawantulad ng babaeng manganganak.Nalugmok ako sa aking narinigat nagulantang akosa aking nakita.4Kinakabahan akoat nanginginig sa takot.Sanaʼy makapagpahinga akopaglubog ng araw,ngunit hindi maaari,dahil takot ako sa maaaring mangyari.5Naghahanda sila ng piging.Inilalatag ang mga alpombranguupuan ng mga tao.Lahat silaʼy kumakain at umiinom.Dali! Tumindig kayo, mga pinuno ng hukbo;ihanda ang inyong mga kalasag!6Sinabi sa akin ng Panginoon,“Pumunta ka at maglagayng tagapagbantay sa lungsodna magbabalita ng makikita niya.7Kapag nakakita siya ng mga karwahenghila-hila ng magkapares na kabayo,at mga nakasakay sa asnoo di kayaʼy nakasakay sa mga kamelyo,dapat siyaʼy handa, handang-handa.”8Sumigaw ang bantay,“Panginoon, araw-gabiʼynagbabantay po ako sa tore.9At ngayon, tingnan ninyo!May taong dumaratingna nakasakay sa karwahena hila-hila ng dalawang kabayo.”At sinabi pa ng bantay,“Bumagsak na!Bumagsak na ang Babilonia!Ang lahat ng imahenng diyos-diyosan nitoay bumagsak at nagkabasag-basag sa lupa.”10Mga kapwa kong mga Israelita,na parang mga trigong ginigiik ,sinasabi ko sa inyo ang mga bagayna aking napakingganmula sa Panginoon ng mga Hukbo,mula sa Diyos ng Israel.Ang Pahayag Laban sa Edom
11Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Edom :May taga-Edom na tumatawag sa akin,Tagapagbantay,malayo pa ba ang umaga?Kailan matatapos ang gabing ito?12Sumagot ako,“Mag-uumaga nangunit sasapit na naman ang gabi.Kung nais mong magtanong muli,bumalik ka para magtanong.”Ang Pahayag Laban sa Arabia
13Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Arabia:Kayong mga mamamayan ng Dedan,na pulu-pulutong na naglalakbayat nagkakamposa mga ilang ng Arabia,14dalhan ninyo ng tubigang mga nauuhaw.Kayong mga nakatira sa Tema,bigyan ninyo ng pagkainang mga taong nagsitakasmula sa kani-kanilang mga lugar.15Tumakas silamula sa mahigpit na labananat hinahabol silang kanilang mga kaawayna may mga espada at mga pana.16Sinabi ng Panginoon sa akin, “Sa loob ng isang taon magwawakas ang kapangyarihan ng Kedar.17Kakaunti ang matitira sa matatapang niyang sundalo na gumagamit ng pana.” Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.Biblica, Inc.