Isaias2
Kapayapaan sa Mundo
1Ito ang pangitaing nakita ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem:2Sa mga huling araw,ang bundok na kinatatayuanng templo ng Panginoonay magiging pinakamataassa lahat ng mga bundok.Ito rin ay magiging pinakamahalagasa lahat ng bundok.Dadagsa rito ang mga taomula sa ibaʼt ibang bansa.3Sasabihin nila, “Tayo na sa bundokng Panginoon,sa Templo ng Diyos ni Jacob.Ituturo niya sa atinang kanyang pamamaraanupang lumakad tayosa kanyang mga daan.”Manggagaling sa Zionang kautusan Panginoon,ang kanyang salita ay lalaganapmula sa Jerusalem.4Pagkakasunduin ng Panginoonang maraming bansa.Kaya hindi na magdidigmaanang mga bansa.Hindi na rin sila magsasanayng mga sundalo para sa digmaan.Gagawin na lang nilang talim ng araroang kanilang mga espada,at karit na pantabasang kanilang mga sibat.5Halikayo, mga lahi ni Jacob,mamuhay tayo sa katotohanan ,na ibinigay sa atin ng Panginoon.Ang Araw ng Paghatol ng Panginoon
6Totoong itinakwil nʼyo, Panginoon,ang mga mamamayan ninyo,ang lahi ni Jacob,dahil naniniwala kayosa mga pamahiing mula sa silanganat sa mga manghuhula,gaya ng mga Filisteo.Sinusunod ninyo ang pag-uugaling mga dayuhan.7Ang kanilang lupainay napakasagana sa pilak at ginto,at hindi nauubosang kanilang kayamanan.Napakaraming kabayo sa kanilang lupain,at hindi mabilang ang mga karwahe nila.8Marami silang diyos-diyosan,at sinasamba nila ang mga bagay na itona sila mismo ang gumawa.9Kaya ang bawat isa sa kanilaʼy ibabagsak,lahat silaʼy mapapahiya.Huwag nʼyo silang patatawarin.10Tumakas kayo papuntasa mga kuweba at mga hukayupang magtago sa galit ng Panginoonat sa kanyang kapangyarihan.11At ang mga mayayabang ay mapapahiya,ang mga mapagmataas na taoʼy ibababa.Ang itataas sa araw na iyonay tanging ang Panginoon lamang.12Sapagkat itinakda ngPanginoon ng mga Hukbo ang arawkung kailan niya ibabagsakang mga mayayabang at mapagmataas,at ang mga nag-aakalangsilaʼy makapangyarihan.13Puputulin niya ang lahat ng matataasna puno ng sedro sa Lebanonat ang lahat ng puno ng ensina sa Bashan.14Papantayin niya ang lahatng matataas na bundok at burol,15at wawasakin ang lahatng matataas na tore at pader.16Palulubugin niya ang lahatng barko ng Tarsisat ang mga naggagandahangsasakyang pandagat.17Ibabagsak nga niya ang mayayabangat ang mga mapagmataasay ibababa niya.Tanging ang Panginoonang maitataas sa araw na iyon.18At tuluyan nang mawawalaang mga diyos-diyosan.19Kapag niyanig na niya ang mundo,tatakas ang mga tao papuntasa mga kuweba sa burolat sa mga hukay sa lupamagtago sa galit ng Panginoonat sa kanyang kapangyarihan.20Sa araw na iyon, itatapon nilasa mga daga at mga panikiang mga diyos-diyosan nilang pilak at gintona ginawa nila para sambahin.21Tatakas nga sila papuntasa mga kuweba sa burolat sa malalaking batopara magtago sa galit ng Panginoonat sa kanyang kapangyarihankapag niyanig na niya ang mundo.22Huwag kayong magtitiwala sa tao.Mamamatay lang din sila.Ano ba ang magagawa nila?Biblica, Inc.