Isaias3

Ang Parusa sa Jerusalem at Juda

1Makinig kayo!Kukunin ng Panginoon,ang Panginoon ng mga Hukbo,ang lahat ng inaasahanng mga taga-Jerusalem at taga-Juda:ang pagkain at tubig nila,2ang mga bayani at mga mandirigma,mga hukom at mga propeta,mga manghuhula at mga pinuno,3mga kapitan ng mga hukboat mga mararangal na tao,mga tagapayoat ang mga bihasang salamangkero  nilaat mga dalubhasa sa paggayuma.
4Gagawin kong kanilang pinunoang mga binatilyo,at ang mga musmos na bataang mamamahala sa kanila.
5Aapihin ng mga tao ang bawat isa,bawat isa laban sa kanyang kapwa.Lalabanan ng mga bata ang matatanda,at lalabanan ng mga hamakang mararangal.
6Susunggaban ng isang taoang kanyang kapatidsa bahay ng kanyang ama at sasabihin,“May damit ka pa, kaya ikaw naang mamuno sa amin;Pamahalaan mo itong wasak na lugar.”7Ngunit sa araw ding iyonay sasagot ang kapatid niya,“Hindi ako ang lunas nito.Wala rin akong pagkaino damit sa bahay,kaya huwag ninyoakong gawing pinuno ninyo.”
8Sapagkat bumagsak na ang Jerusalem at Juda,dahil ang kanilang mga salita at gawaay laban sa Panginoon.Nilalapastangan nilaang kaluwalhatianng kanyang presensya.9Halatang-halata sa kanilang mga mukhaang kanilang pagkakasala.Hayagan silang gumagawang kasalanan tulad ng Sodoma at Gomora.Hindi na nila ito itinatago.Nakakaawa sila!Sila na mismo ang nagpapahamaksa sarili nila.
10Sabihin ninyo sa mga matuwidna mapalad sila,dahil aanihin nila ang bungang kanilang mabubuting ginawa.11Ngunit nakakaawa ang masasamâ,dahil darating sa kanila ang kapahamakan!Gagantihan sila ayon sa mga ginawa nila.
12Inaapi ng mga kabataanang aking mga mamamayan.Pinamumunuan sila ng mga babae.Mga mamamayan ko,nililinlang kayo ng mga pinuno ninyo.Inaakay nila kayo sa maling daan.13Nakahanda na ang Panginoonpara hatulanang kanyang mga mamamayan  .14Hahatulan na ng Panginoonang mga tagapamahala at mga pinunong kanyang mga mamamayan.Sabi niya,“Kayo ang sumira ng aking ubasan.Ang mga bahay ninyo ay puno ng mga bagayna sinamsam ninyo sa mga mahihirap.15Bakit ninyo inaapi ang aking mga mamamayanat ginigipit ang mga mahihirap?”Iyan ang sinabi ngPanginoon ng mga Hukbo.
16Sinabi pa ng Panginoon,“Mapagmataas ang mga babae ng Jerusalem.Nakataas ang noo habang naglalakad,malandi kung tumingin,umiindayog ang balakang sa paghakbang,pinapakalansing pa ang mga alahassa kanilang mga paa.17Kaya ang mga kababaihang ito ng Zionay magkakapigsa sa kanilang mga ulo;gagawing kalbo ng Panginoon angkanilang mga anit.”
18Sa araw na iyon, kukunin ng Panginoon ang mga alahas sa kanilang paa, ulo, at leeg;19mga hikaw, pulseras, belo,20mga alahas sa buhok, braso, at sinturon, mga sisidlan ng pabango at mga anting-anting,21mga singsing sa daliri at ilong,22ang kanilang mga mamahaling damit, mga kapa at mga balabal, mga pitaka,23at mga salamin, mga damit na gawa sa pinong lino, mga putong, at mga belo.24Ang kapalit ng halimuyakay umaalingasaw na amoy.At ang sinturon nilaʼymapapalitan ng lubid;ang magaganda nilang buhokay makakalbo;ang magagarang kasuotaʼymapapalitan ng sako;ang kanilang kagandahaʼymagiging kahihiyan.25Ang inyong kalalakihaʼymamamatay sa digmaan,ang inyong mga kawalay babagsak sa labanan.26Pagtangis at pagluluksaang pupuno sa pintuan ng bayan,parang babaeng maglulupasaysa kanyang kawalan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3