Isaias18
Ang Pahayag Laban sa Etiopia
1Nakakaawa ang mga lugarmalapit sa mga ilog ng Etiopia ,na may mga pagaspasng pakpak ng mga kulisap na naririnig. 2Mula sa lugar na itoay may mga sugong nakasakaysa mga bangkang yari sa tamboat dumadaan sa Ilog Nilo.Humayo kayo,mabibilis na sugo,Dalhin ninyo ang mensahesa mga mamamayang matatangkadat makikinis ang balat,sa mga taong kinatatakutankahit saan,dahil sa kanilang pananakop at paninira,at nakatira sa lupaingdinadaanan ng mga ilog.3Kayong lahat ng naninirahan sa mundo,at naninirahan sa lupa,abangan ninyo ang pagtaas ng bandilasa ibabaw ng bundok,at pakinggan ninyoang tunog ng trumpeta.4Sapagkat ito ang sinabisa akin ng Panginoon,“Mula sa aking luklukan,panatag akong nagmamasidna parang nagniningning na arawsa tanghaling tapat,at parang namumuong ambonsa maalinsangang gabisa panahon ng anihan.”5Bago pa dumatingang panahon ng pag-ani,sa panahon pa langng pamumulaklak ng mga ubasat unti-unting paghinog ng mga bunga nito,puputulin na ng Diyosang mga sanga nitogamit ang karit.6Ang mga bangkay nilaay ipapaubaya sa ibong mandaragitat mababangis na hayop.Magiging pagkain sila ng mga ibonsa panahon ng tag-arawat ng mababangis na hayopsa panahon ng taglamig.7Ngunit darating ang araw na tatanggapang Panginoon ng mga Hukbong mga handogmula sa lupaing dinadaanan ng mga ilog.Ang mga mamamayan nitoʼymatatangkad, makikinis ang balat,makapangyarihan,at kinatatakutan kahit saan.Dadalhin nila ang kanilang mga regalosa Bundok ng Zion,kung saan sinasambaang Panginoon ng mga Hukbo.Biblica, Inc.