Isaias19
Ang Pahayag Laban sa Ehipto
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Ehipto:Makinig kayo!Ang Panginoonay nakasakay sa matulin na ulapat patungo sa Ehipto.Nangangatog sa takotang mga diyos-diyosan ng Ehipto,at kinakabahan ang mga Ehipsiyo.2“Pag-aawayin ko ang mga taga-Ehipto:Kapatid laban sa kapatid,kapitbahay laban sa kapitbahay,lungsod laban sa lungsod,at kaharian laban sa kaharian.3Masisiraan ng loobang mga taga-Ehipto,at guguluhin koang kanilang mga plano.Silaʼy sasangguni sa mga diyos-diyosan,sa kaluluwa ng mga patay,sa mga mangkukulamat mga espiritista.4Ipapasakop ko silasa isang haring malupit,”pahayag ng Panginoon ng mga Hukbo.5Matutuyo ang tubig ng Ilog Niloat ang ilog ay mawawalan ng tubighanggang matuyot ito.6Ang mga sapa at mga batisna dinadaluyan nitoay babaho at matutuyo.Malalanta ang mga tamboat mga talahib,7ang lahat ng tanimsa pampang ng ilog.Matutuyo at titigas ang lupamalapit sa Ilog ng Niloat mamamatayang mga halaman dito.8Ang mga mangingisdaay iiyak at maghihinagpis,lahat ng mga mamimingwit sa Ilog Nilo.Ang mga maghahagis ng lambatay manghihina.9Malulungkot ang mga gumagawa ng damitmula sa halamang ginagawang pinong lino,ang mga humahabi ng pinong linoay mawawalan ng pag-asa.10Manlulumo ang mga manghahabiat ang iba pang mga manggagawa.11Hangal ang mga pinuno ng Zoan!Kinikilala silang mga pinakamatalinongtagapayo ng Faraon ,ngunit ang kanilang mga payoay walang kabuluhan.Paano nila nasabi sa Faraon,“Lahi kami ng matatalinoat mga tagasunod ng mga harinoong unang panahon.”12Faraon, nasaan na ngayonang iyong matatalinong tao?Kung talagang matatalino sila,itanong mo kung ano ang planong Panginoon ng mga Hukbopara sa Ehipto.13Talagang mga mangmangang mga pinuno ng Zoan at Memfis.Madali silang malinlang.Sila na mga pinuno ng mamamayan,ang nagligaw sa landas ng Ehipto.14Ipinadala sa kanila ng Panginoonang espiritu ng pagkahilo,at inililigaw nila ang mga Ehipsiyo.Kaya pasuray-suray sila sa lansangankatulad ng lasenggongang suka ay iniikutan.15Walang sinuman sa buong Ehipto,mayaman man o mahirap,marangal man o aba,ang makakatulong sa kanyang bansa.16Sa mga araw na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging mahina gaya ng mga babae. Manginginig sila sa takot sa parusang ihahatol sa kanila ng Panginoon ng mga Hukbo.17Matatakot sila sa Juda, kahit marinig lang nila ang pangalan nito. Mangyayari ito sa kanila dahil sa plano ng Panginoon ng mga Hukbo laban sa kanila.18Sa araw na iyon, limang lungsod ng Ehipto ang manunumpa ng katapatan sa Panginoon ng mga Hukbo, at magsasalita sila sa wikang Hebreo na wika ng Canaan. Isa sa mga lungsod na itoʼy tatawaging, Lungsod ng Araw .19Sa araw na iyon, itatayo ang isang altar para sa Panginoon sa lupain ng Ehipto, at itatayo ang isang alaalang bato sa hangganan nito.20Magiging tanda ito at patunay na naroon ang Panginoon ng mga Hukbo sa lupain ng Ehipto. Kung ang mga taga-Ehipto ay hihingi ng tulong sa Panginoon sa dahilang pinapahirapan sila ng mga umaapi sa kanila, padadalhan niya sila ng tagapagligtas at tagapagtanggol, at siya ang magliligtas sa kanila.21Ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa kanila, at sa araw na iyon ay kikilalanin nila ang Panginoon. Sasambahin nila siya sa pamamagitan ng sari-saring mga handog. Mamamanata sila sa Panginoon, at tutuparin nila iyon.22Parurusahan ng Panginoon ng salot ang mga taga-Ehipto; parurusahan sila ngunit pagagalingin din niya ang mga ito. Dudulog sila sa Panginoon, at didinggin niya ang mga dalangin nila at pagagalingin sila.23Sa araw na iyon, magkakaroon ng malapad na daan mula sa Ehipto papuntang Asiria. Ang mga taga-Ehipto at mga taga-Asiria ay magpaparooʼt parito sa Ehipto at sa Asiria, at magkasama silang sasamba.24Sa araw na iyon, magsasama ang Israel, Ehipto, at ang Asiria. At ang tatlong bansang ito ay magiging pagpapala sa buong mundo.25Pagpapalain sila ng Panginoon ng mga Hukbo at sasabihin, “Pinagpapala ko ang mga taga-Ehipto na aking mga mamamayan, ang mga taga-Asiria na aking nilalang, at ang mga taga-Israel na pagmamay-ari ko.”Biblica, Inc.