Isaias17
Ang Pahayag Laban sa Damasco
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Damasco :“Makinig kayo! Ang Damascoay hindi na magiging lungsoddahil magigiba ito.2Wala nang titira sa lungsod ng Aroer.Magiging pastulan na lamang itong mga kawan ng hayop,at walang gagambala sa kanila roon.3Mawawasak ang mga tanggulanglungsod ng Israel ,at mawawala ang kapangyarihanng Damasco.Ang sasapitin ng mga matitira sa Aram ay katulad ng sinapit ng mga taga-Israel.Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo,ang nagsasabi nito.4“Pagdating ng araw na iyon,mawawala naang kapangyarihan ng Israel,at ang kanyang kayamananay mapapalitan ng kahirapan.5Matutulad siya sa taniman ng mga butilna ginapas na ng mga nag-aani,tulad ng taniman sa Lambak ng Refaimpagkatapos ng anihan.6Iilan lamang ang matitirasa kanyang mga mamamayan.Matutulad siyasa puno ng olibo pagkatapospitasin ang mga bunga nito.Maaaring dalawa o tatlo lamangang bungang matitirasa pinakamataas na mga sanga,at apat o limang bungasa ibang mga sanga.Ako, ang Panginoong Diyos ng Israel,ang nagsasabi nito.”7Sa araw na iyon,lalapit na ang mga taosa kanilang Manlilikha,at titingin sa Banal na Diyos ng Israel.8Hindi na nila papansinin ang mga altarna sila mismo ang gumawa.Hindi na rin nila papansininang mga posteng imahen ni Ashera,pati ang mga altarna pinagsusunugan ng insensona gawa rin langng kanilang mga kamay.9Sa araw na iyon, ang matitibay nilang lungsod ay magiging katulad ng mga napabayaang lugar ng mga Amoreo at Heveo. Ang mga lugar na itoʼy nilayasan ng mga nakatira rito dahil sa pagdating ng mga Israelita. At ang buong lupain ay iiwang nakatiwangwang.10Kinalimutan ninyo ang Diyosna inyong Tagapagligtasat hindi inalalaang inyong Batong kanlungan.Kaya kahit na magtanim kayong magagandang klase ng tanim,katulad ng mga inangkat na ubas,11at kahit na tumubo ang mga itoat mamulaklak sa araw dinna inyong itinanim,wala kayong makukuhang bunga.Ang aanihin ninyoʼy sakitat paghihirap na walang lunas.12Tingnan ninyo!Nagkakagulo ang napakaraming taomula sa mga bansa.Ang ingay nila ay parang ugongng malalaking alon.13Bagamaʼt katulad sila ng ugongng malalaking alon,patatahimikin sila ng Diyosat silaʼy tatakas palayo.Silaʼy tatakas tulad ng ipa na ikinalat ng hangin,tulad ng dayaming tinatangay ng ipuipo.14Sa gabiʼy naghahasik silang lagim!Ngunit bago mag-umagasila ay wala na.Iyan ang mangyayarisa mga sumasalakay sa atinat sumasamsam ng mga ari-arian natin.Biblica, Inc.