Isaias16
1Ang mga taga-Moabna nagsitakas sa Sela,na isang bayan sa ilangay nagpadala ng mga batang tupabilang regalo sa hari ng Jerusalem .2Ang mga babaeng taga-Moabna nasa tawiran ng Arnonay parang mga ibong binulabogsa kanilang mga pugad.3Sabi ng taga-Moab,“Payuhan ninyo kami,magpasya kayo kungano ang dapat gawin.Liliman sana kami ng inyong aninomula sa init ng arawsa tanghaling-tapat.Ikubli ninyo kaming nagsitakasmula sa aming bayan;huwag ninyong isuko,kaming mga wala nang tahanan.4Hayaan sana ninyong kamiay manatili sa inyong piling,at kamiʼy ipagtanggol samga gustong lumipol sa amin.”Matatapos ang pang-aapiʼtpang-aalipusta,ang pagwawasak ay titigil na,at ang mga yumuyurakay tuluyan nang mawawala.5Itatatag ang tronong isang nagmumula sa lahi ni David.Siyaʼy mamumuno nangmay pagmamahal at katapatan;isang hukomna makatarungan ang hatol,at maagap gawinkung ano ang matuwid.6Nabalitaan naming masyadongmapagmalaki ang mga taga-Moab.Ang pagmamataas at kahambugan nilaay walang kabuluhan.7Kaya iiyakan ng mga taga-Moabang kanilang bansa.Iiyak silang lahatdahil sa pagkawalang masasarap nilang pagkainsa Kir-hareset.8Nasira ang mga bukid sa Hesbonpati na ang mga ubasan sa Sibma.Winasak ng mga pinuno ng mga bansaang mga ubasan hanggang sa Jazerpatungo sa disyertoat umabot pa hanggang sa Dagat na Patay.9Kaya umiiyak ako tulad ng mga taga-Jazer,dahil sa ubasan ng Sibma.Iniiyakan koang Hesbon at Elealedahil hindi na maririnigang masasaya nilang hiyawandahil sa masaganang ani.10Naglaho ang kagalakan nila at kasayahansa kanilang mga ubasan.Wala nang umaawit o humihiyawsa mga ubasan.Wala na ring pumipisa ng ubaspara gawing alak.Pinatigil na ng Panginoon ang kanilang hiyawan.11Kaya nalulungkot akosa sinapit ng Moabna katulad ng malungkotna tugtugin ng alpa.Nalulungkot din akosa sinapit ng Kir-hareset.12Mapapagod lang ang mga taga-Moabsa kababalik sa kanilang mga sambahansa matataas na lugar.At wala ring kabuluhanang kanilang pagpuntasa kanilang mga altarpara manalangin.13Iyon ang sinabi noon ng Panginoon tungkol sa Moab.14At ngayon, ito ang sinabi ng Panginoon, “Sa loob ng tatlong taon, mawawala ang karangalan ng Moab at malalagay sa kahihiyan ang kanyang mga mamamayan. Iilan lang ang matitirang buhay sa mga mamamayan nito at mahihina pa.”
Biblica, Inc.