Isaias15
Ang Pahayag Laban sa Moab
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Moab:Sa loob lamang ng isang gabiay nawasak ang lungsod ng Arat Kir na sakop ng Moab.2Umahon ang mga taga-Dibonmula sa kanilang temploat sa kanilang mga sambahansa matataas na lugar para umiyak.Iniiyakan ng mga taga-Moabang Nebo at Medeba.Ang bawat isa sa kanilaʼy nagpakalboat nagpaahit ng mga balbas.3Nakadamit sila ng sako habang lumalakad sa lansangan.Humahagulgol silasa tuktok ng bubongat sa mga plasa.4Umiiyak ang mga taga-Hesbonat ang mga taga-Elealeat naririnig ito hanggang sa Jahaz.Kaya ang mga sundalo ng Moabay sumisigaw nang malakasat nanghihina sa takot.5Nalungkot akodahil sa nangyari sa Moab.Nagsitakas ang kanyangmga mamamayan papuntang Zoarhanggang sa Eglat-selisiya.Nag-iiyakan silahabang umaahon papuntang Luhit.Ang iba sa kanilaay humahagulgol patungo sa Horonaim,dahil sa kanilang sinapit.6Natuyo ang mga sapa ng Nimrimat nalanta ang mga damo.Ang kaparangan ay nalantaat anumang luntianay nawala na.7Kaya dinala nila sa kabilang daluyan ng tubig ng Herabimang mga ari-arianat kayamanang natipon nila.8Ang iyakan nila ay maririnigsa hangganan ng Moab,mula sa Eglaim hanggangsa Beer-elim.9Naging pula sa dugoang tubig ng Dibon ,ngunit higit pa diyan ang gagawin ko:Magpapadala ako ng mga leonna lalapa sa mga nagsisitakasmula sa Moabat sa mga naiwan doon.Biblica, Inc.