Isaias14

Ang Pang-aalipusta sa Hari ng Babilonia

1Kaaawaan ng Panginoon muli ang sambahayan ni Jacobat muling pipiliin ang bayang Israel.Muli niyang patitirahin ang mga itosa sarili nilang lupain.Mayroon ding mga dayuhangmakikisama sa kanilaat maninirahang kasamaang mga lahi ni Jacob.2Tutulungan ng ibang bansa ang Israelpara makabalik silasa lupaing ibinigay sa kanila.Ngunit sasakupin sila ng Israelat magiging alipin silang mga dayuhan salupain ng PanginoonBibihagin nila ang mga bumihagsa kanila noon,at sasakupin nila ang mga umapisa kanila.
3Sa araw na kayoʼy bibigyan ng ginhawa ng Panginoon sa inyong mga paghihirap, pagkabagabag, at mabigat na gawaing dahil sa inyong pagkaalipin,4kukutyain ninyo ng ganito ang hari ng Babilonia:Ang mapang-aping hari ay bumagsak na!Tumigil na ang kanyang pang-aalipusta!5Pinutol na ng Panginoonang tungkod ng masasama,maging ang baston ng mga namamahala6na kapag nagagalit, tao ang nagdurusaat kapag napopoot, inuusig ang mga bansa,at walang tigil ang pang-aalipusta.7Ang mga kalupaaʼy panatag at payapaat magaawitan ang mga tao sa tuwa.8Magagalak pati ang mga punong sipres at sedro sa Lebanondahil sa nangyari sa hari.Para nilang sinasabi,“Ngayong wala ka na,wala nang puputol sa amin.”
9Nagkakagulo ang mga pataysa iyong pagdatingat handang-handa na sila para ikaʼy salubungin.Ang kaluluwa ng mga datingmakapangyarihan sa mundoay nagkakagulo sa pagbati sa iyo.Tumatayo sa kanilang mga tronoang kaluluwa ng mga haripara salubungin ka.10Sasagot silang lahatat sasabihin nila saʼyo,“Humina ka na rin pala katulad namin.Pare-pareho na tayo.”11Ngayong patay ka na,wala ka nang kapangyarihan,at wala na rin ang mga tugtuganng mga alpa upang ikaʼy parangalan.Uod na ang iyong higaanat sila rin ang kumot mo.
12Nahulog ka mula sa langit,ikaw na tinatawagna tala sa umaga.Ibinagsak ka sa lupa,ikaw na nagpasuko ng mga bansa.13Sinabi mo sa iyong sarili,“Aakyat ako sa langit,at ilalagay ko ang aking tronosa itaas ng mga bituin ng Diyos.Uupo ako sa itaas ng bundokna pinagtitipunan ng mga diyossa bandang hilaga.14Aakyat ako sa itaas ng mga ulap,at magiging gaya ng Kataas-taasang Diyos.”15Ngunit sa halip,dinala ka sa lugar ng mga patay,sa pinakamalalim na hukay.
16Tititigan kang mabuti ng mga patayat kanilang sasabihin,“Hindi baʼt ito ang taongsa buong mundoʼy kinatatakutan,at yumanig ng mga kaharian?17Hindi baʼt siya ang nagwasakng mga lungsod,ginawang parang ilangang buong mundo,at hindi nagpalayasa kanyang mga bihag?”
18Ang lahat ng hari sa mundoay marangal na nakahimlaysa sarili nilang libingan.19Ngunit ikaw naman ay itataponna parang sanga na walang silbi.Tatambakan ka ng mga bangkayng mga sundalong namataysa digmaan.Ihuhulog ka sa hukaykasama nilaat ikaʼy tatambakanng mga bato.Matutulad ka sa bangkayna tinatapak-tapakan ng mga tao.20Hindi ka ililibing na katuladng ibang hari,dahil winasak moang iyong sariling bansaat pinatay ang iyong mga mamamayan.Walang matitira sa iyong masamang lahiat hindi na babanggitin pang muli.21Ihanda na ang lugarkung saan papatayinang kanyang mga anakdahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno.Hindi na sila dapat magmamanang mga lupainni magtayo ng mga lungsodsa buong mundo.
22Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo,“Lulusubin ko at wawasakin ang Babilonia.Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito.Walang matitira sa kanilang mga lahi.”23Gagawin ko itong tirahanng mga kuwago,at ilang na may maraming latian,at gigibain ko na parang winalisan.Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo,ang nagsasabi nito.

Ang Pahayag Laban sa Asiria

24Nanumpa ang Panginoon ng mga Hukbo at sinabi,“Mangyayari ang plano ko;matutupad ang desisyon ko.25Lilipulin ko ang mga taga-Asiriasa lupain ng Israel.Dudurugin ko silasa aking mga bundok.Hindi na nila maaaring alipininang aking mga mamamayan.”
26Ito ang binabalak kong gawinsa buong mundo.Ganito ang parusang ipapakita kosa lahat ng bansa.27Sino ang makakapagbago ng planong Panginoon ng mga Hukbo?Sino ang makakapigilsa kanyang pagpaparusa?

Ang Pahayag Laban sa mga Filisteo

28Ang pahayag na ito ay natanggap noong namatay si Haring Ahaz:29Mga Filisteo,huwag muna kayong magdiwangsa pagkabali ng tungkodna pumapalo sa inyo.Sapagkat manggagaling sa ahasna ito ang isang ulupong;mas makamandag at tila lumilipadna uri ang papalit sa kanya.30Ang mga mahihirap kong mamamayanay aking pakakaininat bibigyan ng kapahingahannang walang anumang kinatatakutan.Ngunit pababayaan kong mamataysa gutom ang mga lahi mo,at ang matitira sa kanilaay pupuksain ko.
31Umiyak kayo nang malakas,kayong mga mamamayanng mga bayan ng Filistia.Sapagkat sasalakay sa inyoang inyong mga kaawayna parang usokmula sa hilagaat silang lahatay pawang matatapang.32Ano ang isasagot natinsa mga sugo ng bansang iyon?Sabihin natin sa kanila naang Panginoon ang nagtayo ng Zion,at dito manganganlongang nahihirapan niyangmga mamamayan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3