Isaias13

Ang Pahayag Laban sa Babilonia

1Ito ang pahayag tungkol sa Babilonia na ipinakita kay Isaias na anak ni Amoz:2Magtaas kayo ng isang bandilaroon sa tuktok ng burol na walang tanim.Pagkatapos, sumigaw kayonang malakas sa mga sundaloat senyasan ninyo silangpasukin ang lungsodng mga kilala at makapangyarihang3Inutusan ko naang mga itinalaga kong sundalona magpaparusasa mga taong kinapopootan ko.Ang mga sundalo na itoʼy natutuwaat umaasang isasagawa koang parusang ito.
4Pakinggan nʼyo ang ingay sa mga bundokna tulad ng napakaraming tao!Pakinggan nʼyo ang ingay ng mga kaharianna tulad ng mga bansang nagtitipon.Tinitipon ng Panginoon ng mga Hukboang mga sundalo para sa digmaan.5Nanggaling sila sa malalayong lugar,mula sa dulo ng daigdig.Ang Panginoon at ang mga sandata niyaay parating upang wasakinang buong lupain.
6Tumangis kayo,dahil malapit na ang araw ng paghatolng Panginoon,ang araw ng pagwawasakng Diyos na Makapangyarihan.7Sa araw na iyon,manlulupaypay ang lahat ng tao.Ang bawat pusoʼy masisiraan ng loob,8at manginginig sa takot.Madadama nila ang labis na paghihirapkatulad ng paghihirapng isang babaeng nanganganak.Magtitinginan silanang may matinding takotat mamumula ang kanilang mga mukhasa kahihiyan.
9Makinig kayo!Darating na ang araw ng paghatolng Panginoon,ang araw ng kalupitan at matinding galit.Wawasakin ang lupainhanggang sa hindi na matirhan,at ang mga makasalanangnaroon ay lilipulin.10Ang mga bituin at mga konstelasyonnila sa kalangitanay hindi na magniningning.Ang sumisikat na araway magdidilimat ang buwanay hindi na magbibigay ng liwanag.11Parurusahan ko ang mundodahil sa kasamaan nito,at ang mga masasamadahil sa kanilang kasalanan.Wawakasan ko ang pagiging hambogng mga mayayabang.Tatapakan ko ang angasng mga taong malulupit.12Gagawin kong mas kakaunti ang taokaysa sa purong ginto,mas madalang pa kaysasa ginto ng Ofir.13Kayaʼt yayanigin ko ang langitat mauuga ang lupasa kinalalagyan nito.Ako, ang Panginoon ng mga Hukboay gagawin itosa araw na aking ipapakitaang matindi kong galit.
14Ang mga dayuhan sa Babiloniaay tatakas at babaliksa sarili nilang bayanna parang mga usang hinahabol.Silaʼy parang mga tupangwalang nagbabantayna babalik sa kani-kanilang bayan,tatakas patungosa kani-kanilang mga lupain.15Ang bawat mahuhuli ay sasaksakin,at ang ibaʼy mamataysa pamamagitan ng espada.16Ang kanilang mga sanggolay luluray-lurayinsa kanilang harapan.Ang kanilang mga tahanaʼysasamsaman ng mga ari-arianat ang kanilang mga asawaʼy gagahasain.
17Makinig kayo!Ipapalusob ko ang Babiloniasa mga taga-Mediana sa pilak ay walang pakialamat sa ginto ay walang pagpapahalaga.18Papatayin nila ang mga kabataang lalakisa pamamagitan ng pana.Hindi sila maaawa sa mga sanggolpati na sa mga bata.19Ang Babilonia, kahariang pinakamagandasa lahat ng kaharian,itoʼy ipinagmamalaking kanyang mga mamamayan. Ngunit wawasakin ko itokatulad ng Sodoma at Gomora.20At hindi na ito titirhanninuman magpakailanman.Walang Arabong makapagtatayo roonng kanyang tolda.At wala ring pastol na mag-aalaga roonng kanyang mga tupa.21Magiging tirahan na lamang itong mga hayop sa gubat.Titirhan ng mga kuwagoang kanilang mga bahayat ng iba pang mababangis na hayop,at lulukso-lukso roon ang mga kambing na maiilap.22Aalulong sa kanilang mga toreat mga palasyo ang mga asong-gubat. Nalalapit na ang katapusan ng Babilonia;hindi na ito magtatagal.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3