Isaias12
Awit ng Pasasalamat
1Sa araw na iyon, aawit kayo:“Panginoon, pinupuri ko kayo.Kahit na kayoʼy nagalit sa akin,lumipas na ito,at ngayon akoʼy inaaliw ninyo.2Kayo, O Diyos,ang aking kaligtasan.Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot.Kayo, Panginoon,ang sa akiʼy nagbibigay ng lakasat kayo rin ang aking awitin.Tunay ngang kayoang nagligtas sa akin.”3Magagalak ka sa kaligtasangiyong mararanasan,tulad ng pag-inom mo ng tubigmula sa mga bukal.4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:“Purihin ninyo ang Panginoon!Sambahin ninyo siya!Sabihin ninyo sa mga bansaang kanyang mga ginawa.Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.5Umawit kayo sa Panginoondahil kahanga-hangaang kanyang mga ginawa.Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.6Sumigaw kayo at umawit sa galak,kayong mga taga-Zion.Sapagkat makapangyarihanang Banal na Diyos ng Israelna nasa inyong piling.”Biblica, Inc.