Isaias11

Ang Mapayapang Kaharian

1May tutubong sangasa tuod ni Jesse;mula sa mga ugat nitoay sisibol ang isang usbong.2Ang Espiritu ng Panginoonay mananatili sa kanya,at bibigyan siyang karunungan at pang-unawa,ng kakayahang magpayo at kalakasan,ng kaalaman at takot sa Panginoon.3Magiging kagalakan niyaang pagsunod sa Panginoon.Hindi siya mamumuno at hahatolbatay lang sa kanyang nakitao narinig sa iba.4Bibigyan niya ng katarunganang mga mahihirapat ipagtatanggolang kanilang mga karapatan.Sa pamamagitan ng kanyang salita,parurusahan niyaang mga tao sa mundoat mamamatay ang masasamang tao.5Paiiralin niya ang katarungan at katapatan,ito ang magiging pinakasinturon niya.
6Sa araw na iyon, ang asong loboay maninirahang kasama ng tupa.Mahihigang magkakasamaang kambing at leopardo.Magsasama ang guya at batang leon,at ang mag-aalaga sa kanilaay mga batang paslit.7Magkasamang kakainang baka at ang oso,at ang mga anak nilaay magkakatabing hihiga.Ang leon ay kakain ng dayamina tulad ng baka.8Kahit maglaro ang mga paslitsa tabi ng lungga ng makamandag na ahas,o kahit na isuot nilaang kamay nila sa lungga nito,hindi sila mapapahamak.9Walang mamiminsala o gigiba sa Zion,ang banal kong bundok.Sapagkat magiging laganapsa buong mundoang pagkilala sa Panginoonkatulad ng karagatan na puno ng tubig.
10Darating ang araw na ang tagapagmana ng trono ni David ang magsisilbing hudyat sa mga bansa. Darating sila upang humingi ng patnubay sa kanya at ang lugar na tinitirhan niya ay magiging tanyag.11Sa araw na iyon, muling kikilos ang Panginoon upang ibalik ang kanyang mga natitirang mamamayan na dinalang bihag sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Babilonia, Hamat at sa iba pang malalayong lugar.12Itataas niya ang isang bandilaupang tipunin ang mga nabihagna mga Israelita.Pauuwiin niya ang mga nakakalatna mamamayan ng Judamula sa ibaʼt ibang dako ng mundo.13Mawawala na ang inggit ng Israel sa Judaat ang galit ng Juda sa Israel.14Magkasama silang lulusobsa mga Filisteo sa kanluran,sasamsamin nila ang yamanng mga tao sa silangan.Ang Edom at Moabay kanilang sasakupin,at ang mga Amonitaay magpapasakop din.15Patutuyuin ng Panginoonang Dagat ng Ehipto,at sa galaw ng kanyang kamayay paiihipin niyaang mainit na hanginsa Ilog ng Eufrates.Itoʼy hahatiin niya sa pitongmaliliit na ilog daluyanupang kahit ang naglalakaday makakatawid.16Kung paanong may malapad na daanna dinaananng mga mamamayan ng Israelnoong umalis sila sa Ehipto,mayroon ding malapad na daanpara sa mga natitira niyangmga mamamayan sa Asiria.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3