Isaias10

1Nakakaawa kayong mga gumagawang mga kautusang di-makatarungan,at naglalabas ng mga batasna wala sa katuwiran.2Dahil ditoʼy, inaapi ang mga mahihirapat ipinagkakait ang katarungansa aking mga mamamayan.Ang mga biyuda ang binibiktima nila,at ninanakawan nila ang mga ulila.3Ano ang gagawin ninyosa araw ng pagpaparusa sa inyo?Ano ang gagawin ninyokapag dumating ng panganib mula sa malayo?Kanino kayo hihingi ng tulong?At saan ninyo itatagoang mga kayamanan ninyo?4Walang matitira sa inyo.Mabibihag o mamamatay kayo,ngunit ang poot ng Panginoonay hindi pa humuhupa.Nakahanda pa rin siyangmagparusa sa inyo.

Ang Parusa ng Panginoon sa mga taga-Asiria

5Sinabi ng Panginoon,“Nakakaawa ang mga taga-Asiria.Sila ang gagamitin kong pamaloupang parusahanang mga kinamumuhian ko.6Uutusan ko silang salakayinang bansang hindi makadiyosat kinapopootan ko,para wasakin itoat tapak-tapakan tulad ng putiksa lansangan,at samsamin ang lahatng kanilang ari-arian.”7Ngunit hindi malalaman ng hari ng Asiriana ginagamit lang siya ng Panginoon.Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasakng maraming bansa.8Buong pagmamalaki niyang sinabi,“Ang mga kumander ng aking hukboay parang mga hari.9Anong pagkakaiba ng Carquemis at Calno,ng Arpad at Hamat,at ng Damasco at Samaria?Silang lahat ay pare-parehokong winasak.10Nilupig ko ang mga kaharianng mga diyos-diyosan,mga kahariang higit pa ang mga imahenkaysa sa Jerusalem at Samaria.11Winasak ko na ang Samariaat ang mga diyos-diyosan nito.Ganyan din ang gagawin kosa Jerusalem at sa mga diyos-diyosan nito.”
12Ngunit ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki.13Sapagkat sinasabi niya,‘Nagawa ko itodahil sa sarili kong lakasat karunungan.Tinalo ko ang maraming bansaat sinamsam ang kanilangmga kayamanan.Para akong toro,ibinagsak ko ang mga nakaupo sa trono.14Kinuha ko ang mga kayamananng mga bansa,na para bang nag-iipon lang akong mga itlogsa mga pugad na iniwanan ng inahin.Walang pakpak na pumagaspaso huni na narinig.’ ”
15Maaari bang magmalaki ang palakolo ang lagare sa gumagamit sa kanya?Mabubuhat ba ng pamaloang may hawak sa kanya?16Kaya magpapadalaang Panginoon ng mga Hukbong sakit na magpapahinasa makikisig na sundalo nito,at lalamunin ng naglalagablabna apoy ang karangyaan nito.17Ang Ilaw ng Israel ay magiging tulad ng apoy,ang Banal na Diyos ay magliliyabna susunog at tutupok sa mga dawagat matitinik nitong halamansa loob ng isang araw lamang.18Mawawasak nang tuluyanang maririlag nitong kagubatanat masasaganang kabukiran,tulad ng maysakit na nanghihinaang katawan.19Kakaunti lamang ang matitirang puno.Kahit ang batang paslitay mabibilang ito.

Ang mga Natitirang Lahi ni Jacob

20Sa araw na iyon,ang mga natitirang Israelita,ang mga nakatakas na lahi ni Jacobay hindi na aasa sa Asiriana pumuksa sa kanila.Silaʼy magtitiwala na sa Panginoon,ang Nag-iisang Banal ng Israel.21Magbabalik-loob angmga natitirang lahi ni Jacobsa Diyos na Makapangyarihan.22Kahit na kasindaming buhangin sa tabing-dagatang mga Israelita,iilan lang ang makakabalik.Nakatakda na ang parusang nararapatpara sa buong Israel.23At tiyak na gagawinng Panginoong Diyos na Makapangyarihanang parusang nakatakda sa buong lupain.24Kaya sinabi ng Panginoong Diyosna Makapangyarihan,“Kayong mga mamamayan ko nasa Zion naninirahan,ang mga taga Asiriaʼy huwag ninyong katakutankahit kayo ay kanilang pinahihirapankatulad ng ginawa sa inyo ng mga Ehipsiyo.25Sapagkat hindi magtatagalat lilipas na ang galit ko sa inyoat sa kanila ko naman ibubuhos itohanggang sa silaʼy mawasak.”
26Parurusahan sila ng Panginoon ng mga Hukbokatulad ng ginawa niyasa mga taga-Midian sa Bato ng Orebat sa mga Ehipsiyonang nilunod niya sila sa dagat.27Sa araw na iyon, palalayain ko kayomula sa kapangyarihan ng Asiria.Para kayong natanggalan ng mabigatna pasanin sa mga balikat nʼyoat ng pamatok na nagpapabigatsa leeg ninyo.Lalaya kayo mula sa kapangyarihan niladahil magiging makapangyarihan kayo. 
28Nilusob ng Asiria ang Aiat.Doon sila dumaan sa Migronat iniwan nila sa Micmasang mga dala nila.29Dumaan sila sa tawiran,at doon natulog sa Geba.Natakot ang mga taga-Rama,at tumakas ang mga mamamayan ng Gibeana bayan ni Haring Saul.30Sumigaw kayong mga taga-Galim!Makinig kayong mga taga-Laisaat kayong mga kawawang taga-Anatot.31Tumakas na ang mga mamamayanng Madmena at Gebim.32Sa araw na ito,darating ang mga taga-Asiria sa Nob.At sesenyas sila na salakayinang bundok ng Jerusalem,ang Bundok ng Zion.
33Makinig kayo!Ang Panginoon ng mga Hukboang wawasak sa mga taga-Asiriasa pamamagitan ng kahanga-hanganiyang kapangyarihan,na parang pumuputolng mga sanga sa puno.Ibabagsak niya ang mga mapagmataaskatulad ng pagputol ng matataasna punongkahoy.34Pababagsakin niya silakatulad ng pagputolng mga puno sa kagubatansa pamamagitan ng palakol.Silang mga katulad ng puno sa Lebanonay pababagsakin ng Diyos na Makapangyarihan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3