Isaias9

Pag-asa sa Darating na Mesias

1Subalit hindi mananatili ang kadiliman sa mga naghihinagpis magpakailanman. Noong unaʼy hinamak niya ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, ngunit sa darating na araw ay pararangalan niya ang dinadaanan patungo sa lawa, ang lupain sa ibayo ng Ilog Jordan, ang Galilea na lugar ng mga Hentil.2Ang mga taong nabubuhay sa kadilimanay nakakitang matinding kaliwanagan.Kahit silaʼy nababalotng matinding kadiliman,sila ay maliliwanagan.3Panginoon, pinalawak ninyoang kanilang bansaat silaʼy nag-uumapaw sa tuwa.Nagagalak sila sa inyong harapankatulad ng mga taong nagagalaksa panahon ng anihan,katulad ng mga mandirigmang nagdiriwangsa paghahati-hati nilang mga nasamsam.4Binali ninyo ang pamatokna naging pabigat,ang tungkod sa kanilang balikat,ang pamalo ng kanilang mang-aapikatulad noong nalupig ang Midian. 5Ang mga bota ng mga sundaloat ang mga uniporme nilangtigmak ng dugoay susunugin bilang panggatong sa apoy.
6Ipapanganak ang isang batang lalakina maghahari sa amin.Tatawagin siyang,“Kahanga-hangang Tagapayo,Diyos na Makapangyarihan,Walang Hanggang Ama,at Prinsipe ng Kapayapaan.”7Hindi magwawakas ang pag-unladng kanyang pamamahala,at maghahari ang kapayapaan.Siya ang magmamana ng kaharian ni David.Patatatagin niya ito at paghahariangmay katarungan at katuwiranmagpakailanman.Sisiguraduhin ng Panginoonng mga Hukbo na matutupad ito.

Ang Galit ng Diyos sa Israel

8Sinabi ng Panginoonna parurusahan niya ang Israel,ang lahi ni Jacob.9At alam  ito ng lahat ng tao sa Efraim, pati ng mga nasa Samariana kabisera nito.Ngunit nagmamataas pa rin silaat payabang na sinasabi,10“Mawasak man ang mga itinayo naming bahayna yari sa brik at kahoy na sikomoro,papalitan naman namin itong bato at kahoy na sedro.”11Ngunit palalakasin ng Panginoonang mga kaaway ni Rezinlaban sa kanila,at uudyukan ang lahatng mga kalaban niya.12Sasakmalin ng mga taga-Aramang Israel sa gawing silanganat mga Filisteo sa gawing kanluran.Ngunit hindi pa rin humuhupaang poot ng Panginoon,at nakahanda pa rin siyangmagparusa sa kanila.
13Ngunit ayaw pa ring magbalik-loobng mga Israelitakahit na silaʼy naparusahan,at ayaw din nilang hanapinang Panginoon ng mga Hukbo.14Kaya puputulin ng Panginoonang buntot at ulo ng Israel,ang sanga ng maharlikang palmaat ang hamak na tambosa isang araw lamang.15Ang ulo ay ang mga pinunoat ang mga iginagalang na tao,at ang buntotay ang mga sinungaling na propeta.16Ang mga namumuno sa mga taong itoang nagliligaw sa kanila,kaya ang mga sumusunoday naliligaw ng daan.17Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoonsa mga kabataan nilang lalaki,at hindi niya kinakaawaanang kanilang mga ulilaʼt mga biyuda.Sapagkat masama ang lahatat hindi makadiyos;nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila.Kaya hindi pa rin humuhupaang poot ng Panginoon,at nakahanda pasiyang magparusa sa kanila.
18Sapagkat ang kasamaan nilaay tulad ng apoyna tumutupok ng mga halamangmay tinik.Naglalagablab itong tulad ng apoyna tumutupok ng mga kahoy,at ang makapal na usokay pumapailanlang.19Dahil sa galitng Panginoon ng mga Hukbo,masusunog ang buong lupain,at magiging panggatongsa apoy ang mga tao.Hindi nila kahahabagankahit ang sarili nilang kababayan.20Anumang pagkain ang makita nilaay kukunin nila at kakainin,ngunit hindi pa rin sila mabubusog.Kaya pati ang kanilang mga anak ay kanilang kakainin.21Mag-aaway ang mga taga-Manasesat ang mga taga-Efraim,at lulusubin nilang dalawa ang Juda.Subalit ang poot ng Panginoonay hindi pa rin humuhupaat nakahanda pasiyang magparusa sa kanila.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3