Hoseas9
Ang Parusa sa Israel
1Huwag kayong matuwa, Israel;huwag kayong magdiwangkatulad ng mga ibang bansa.Sapagkat hindi kayo naging tapatsa inyong Diyos;nasisiyahan kayo sa inyong upabilang babaeng bayaran,at inaakalang ang mga butilsa bawat giikanay ibinigay ng inyong diyos-diyosan.2Ngunit sa bandang huli,mauubusan kayo ng mga trigoat bagong alak.3Lilisanin ninyo ang Israel,ang lupain ng Panginoon,at babalik kayo sa Ehipto,at ang iba sa inyoay pupunta sa Asiria,at doon ay kakain kayong mga pagkaingitinuturing ninyong marumi.4Hindi na kayo papayagang magbuhosng mga handog na inuminsa Panginoon.Wala sa anumang handog ninyoang nakakalugod sa kanya.Ang mga itoʼy ituturing na marumigaya ng pagkaing inihahainng isang taong nagluluksa. Ang inyong mga pagkainay para lamang sa inyong sariliat hindi maaaring ihandogsa Templo ng Panginoon.5Kung ganoon,ano ngayon ang inyong gagawinkapag dumating ang mga espesyalna araw ng pagsambao mga pista upang parangalanang Panginoon?6Kahit na makatakas kayosa kapahamakan,titipunin pa rin kayo sa Ehiptoat ililibing sa Memfis. Matatakpan ng mga damoat matitinik na halamanang inyong mga mamahalingkagamitang pilakpati ang inyong mga tolda.7Mga taga-Israel,dumating na ang arawng inyong kaparusahan,ang araw na gagantihan kayosa inyong mga ginawa.At tiyak na malalaman ninyona dumating na nga ito.Sinasabi ninyo,“Ang propetang iyan ay hangal,isang lingkod ng Diyosna nasisiraan ng ulo.”Sinasabi ninyo iyondahil marami na kayong mga kasalananat galit kayo sa akin.8Bilang propeta,kasama ko ang Diyossa pagbabantay sa inyona mga taga-Israel.Ngunit kahit saan ako pumuntaay nais ninyo akong ipahamak;para akong ibonna gusto ninyong mahuli sa bitag.Galit sa akin ang mga tao sa Israel,na itinuturing ng Diyosna kanyang tahanan. 9Napakasama na ninyotulad ng mga lalaki noon sa Gibea. Aalalahanin ng Diyosang inyong mga kasamaan,at parurusahan niya kayosa inyong mga kasalanan.10Sinabi ng Panginoon,“Mga taga-Israel, noong piliin ko ang mga ninuno ninyona maging mamamayan,tuwang-tuwa ako.Gaya ng taong tuwang-tuwanang makakita ng ubasna tumubo sa disyertoo nang makakita ng unang bungang puno ng igos.Ngunit nang pumunta sila sa Baal Peor,itinalaga nila ang kanilang sarilisa mga nakakasuklamna diyos-diyosan,at naging gaya silang mga kasuklam-suklamna diyos-diyosang iyonna kanilang iniibig.11Mga taga-Israel,mawawala ang inyong kadakilaanna parang ibong lumipad.Wala nang mabubuntisat wala ring manganganaksa inyong mga kababaihan.12At kung may manganganak man,kukunin ko ang mga anak nilaat magluluksa kayo.Nakakaawa naman kayokapag iniwan ko na kayo.13Ang tingin ko sa inyo noonay parang palmang tumutubosa matabang lupa.Ngunit ngayon, kailangang dalhin ninyoang inyong mga anaksa digmaan para mamatay.”14Panginoon, ganoon nga poang gawin ninyosa inyong mga mamamayan.Loobin nʼyo pong hindi magkaanakat makapagpasusoang mga kababaihan nila.15Sinabi ng Panginoon,“Ang lahat ng kasamaanng aking mga mamamayanay nagsimula sa Gilgal.Doon pa lang ay kinapootan ko na sila.At dahil sa kanilang kasamaan,palalayasin ko sila sa lupainng Israel na aking tahanan.Hindi ko na sila mamahalin.Naghimagsik sa akin ang lahatng kanilang mga pinuno.16Para silang tanim na natuyoang ugat kaya hindi namumunga.At kahit mabuntis man sila,papatayin koang mga minamahal nilang anak.”17Itatakwil ng aking Diyosang mga Israelitadahil hindi sila sumunod sa kanya.Kaya magiging mga palaboy silasa ibaʼt ibang bansa.Biblica, Inc.