Hoseas8
Parurusahan ng Diyos ang Israel
1“Hipan ninyo ang trumpetaupang bigyang babalaang aking mga mamamayan,ang Israel na itinuturingna tahanan ng Panginoon, na lulusubin silang kalabang kasimbilis ng agila.Sapagkat sinira nila ang kasunduan kosa kanilaat nilabag nilaang aking Kautusan.2Sumasamo sila sa akin,‘Diyos ng Israel,kinikilala ka namin.’3Ngunit itinakwil nila ang mabuti,kaya hahabulin silang kanilang kalaban.4Pumili sila ng mga hariat mga opisyal na hindi ko pinili.Gumawa sila ng mga diyos-diyosanmula sa kanilang mga pilak at ginto,at ang mga ito ang nagdalasa kanila sa kapahamakan.5Itinatakwil ko ang diyos-diyosangbaka ng mga taga-Samaria.Galit na galit ako sa kanila.Hanggang kailan silamananatiling marumi?6Ang diyos-diyosang baka ng Samariaay ginawa lamangng mga platero na taga-Israel.Hindi iyon Diyos!Tiyak na dudurugin iyon.7“Para silang naghahasik ng hanginat nag-aani ng buhawi. Para ding trigo na walang uhay,kaya walang makukuhang pagkain.At kung mamumunga man,taga-ibang bansa namanang lalamon nito.8Ang Israel ay nilamonng ibang bansa.At ngayong nakikisalamuha siya sa kanila,para na siyang kasangkapangwalang silbi.9Para siyang asnong-gubatna nag-iisa at naliligaw.Humingi siya ng tulong sa Asiria;binayaran niya ang kanyangmga kakamping bansapara ipagtanggol siya.10Ngunit kahit nagpasakop siyasa mga bansang iyon,titipunin ko ngayonang kanyang mga mamamayanat parurusahan.At magsisimula naang kanilang paghihirapsa pang-aapi ng isang hariat ng mga opisyal niya.11“Nagpagawa nga silang maraming altarpara sa mga handog sa paglilinis,subalit doon dinsila gumawa ng kasalanan.12Kahit sa kanilaʼy ipinagkaloob koang lahat kong kautusan,ngunit sa kanilang paningin,wariʼy hindi para sa kanila ang mga ito.13Naghahandog sila sa akinat kinakain nila ang karneng handog, ngunit hindi nalulugodang Panginoon sa kanila.At ngayon aalalahanin koang kanilang kasamaanat parurusahan ko siladahil sa kanilang mga kasalanan.Babalik sila sa Ehipto.14Kinalimutan ng mga taga-Israelang lumikha sa kanila.Sila at ang mga taga-Judaay nagtayo ng mga palasyo at maraming napapaderang bayan.Ngunit susunugin koang kanilang mga lungsodat ang matitibay na bahagi nito.”Biblica, Inc.