Hoseas10
1Ang Israel ay parang tanim na lumalagona mayabong at hitik sa bunga.Ngunit habang umuunlad siya,dumarami rin ang mga altarna ipinapatayo niya.Habang ang lupain niyaʼy pinagpapala,lalo rin niyang pinapalamutianng magandaang mga sagradong batona kanyang sinasamba.2Mapanlinlang sila, at ngayondapat na nilang pagdusahanang kanilang mga kasalanan.Gigibain ng Panginoonang mga altar nilaat mga sagradong bato.3Siguradong sasabihin nilasa bandang huli,“Wala kaming haridahil wala kaming takotsa Panginoon.Subalit kahit na may hari kami,wala rin itong magagawang mabutipara sa amin.”4Puro salita lang sila ngunit hindi naman nila tinutupad.Nanunumpa sila ng kasinungalinganat gumagawa ng kasunduanna hindi naman nila tinutupad.Kaya ang katarunganay parang nakakalasong damona tumutubo sa binungkal na lupain.5Matatakot ang mga mamamayanng Samariadahil sa diyos-diyosang guyasa Bet-aven.Sila at ang kanilang mga pari nanagagalak sa kagandahanng mga diyos-diyosan nilaay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila6at dadalhin sa Asiriaat ihahandog sa dakilang hari doon.Mapapahiya ang Israel sa kanyang pagtitiwalasa mga diyos-diyosan. 7Mawawala ang kanyang harina parang kahoy na tinangay ng agos.8Gigibain ang mga sambahansa mga matataas na lugar ng Aven, na naging dahilan ng pagkakasalang mga taga-Israel.Matatakpan ang kanilang mga altarng matataas na damoat mga halamang may tinik.Sasabihin nila sa mga bundok at mga burol,“Tabunan ninyo kami!”9“Sinabi ng Panginoon,‘Kayong mga mamamayan ng Israelay patuloy sa pagkakasalamula pa noong magkasalaang inyong mga ninuno doon sa Gibea.Hindi kayo nagbago.Kaya kayong mga lahi ng masasamaay lulusubin sa Gibea.10Gusto ko na kayong parusahan.Kaya magsasanib ang mga bansaupang lusubin kayo dahil sa patuloy ninyong pagkakasala.11Noon, para kayong dumalagang bakana sinanay na gumiikat gustong-gusto ang gawaing ito.Subalit ngayon, pahihirapan kokayong mga taga-Israel at pati ang mga taga-Juda.Magiging tulad kayo ng dumalagang bakana sisingkawan ang makinis na leegat pahihirapan sa paghila ng pang-araro.’12Sinabi ko sa inyo,‘Palambutin ninyo ang inyong mga pusotulad ng binungkal na lupa.Magtanim kayo ng katuwiranat mag-aani kayo ng pagmamahal.Sapagkat panahon naupang magbalik-loob kayosa Panginoonhanggang sa aking pagdating,at pauulanan ko kayo ng tagumpay. ’13“Subalit nagtanim kayo ng kasamaan,kaya umani rin kayo ng kasamaan.Nagsinungaling kayo,at iyan ang bungang inyong kasamaan.At dahil sa nagtitiwala kayosa sarili ninyong kakayahanat sa marami ninyong mga kawal,14darating ang digmaansa inyong mga mamamayanat magigiba ang inyong mga tanggulan.Gagawin ng mga kalaban ninyoang ginawa ni Shalman sa lungsod ng Bet-arbelnang pagluray-lurayin niya ang mga inaat ang kanilang mga anak.15Ganyan din ang mangyayari sa iyo, Betel,dahil sukdulan na ang kasamaan ninyo.Sa pagbubukang-liwaywayng araw na iyon,tiyak na mamamatayang hari ng Israel.
Biblica, Inc.