Hoseas7
1Nais ko sanang pagalinginang bansang Israel, subalit napakalaking kanilang pagkakasalaat nabubunyag ang kanilangmasasamang gawa.Silaʼy mga mandaraya;pinapasok ng magnanakawang mga tahanan,nagnanakaw sa daanang mga kawatan.2Hindi nila napagtantona naaalala koang lahat ng kasamaangginawa nila.Nilulunod na silang kanilang kasalanan;at ang lahatng itoʼy aking namamasdan.3“Napapasaya nilaang kanilang hari at mga pinunosa kanilang kasamaanat kasinungalingan.4Lahat silaʼy mga taksil. Para silang maiinit na pugonna hindi na kailangang paningasin ng panaderomula sa oras ng pagmamasahanggang sa umalsa ang harina.5Nang dumating ang kaarawan ng ng kanilang hari,nilasing nila ang mga opisyal nito.At pati ang hari ay nakipag-inumansa kanyang mga mapanghusgangmga opisyal.6At habang papalapit sila sa hariat sa kanyang mga opisyal upang patayin,nagniningas ang kanilang galitna parang mainit na pugon.Bago pa man sila sumalakay,magdamag nilang tinitimpiang kanilang galit,kaya kinaumagahanpara na itong nagniningas na apoy.7Galit na galit silang lahattulad ng nagniningas na pugon.Kaya pinatay nilaang kanilang mga pinuno.Bumagsak lahat ang kanilang mga hari,ngunit wala ni isa man sa kanilaang humingi ng tulong sa akin.8“Nakikisalamuha ang Israel sa ibang mga bansa.Nasira tuloy siya,tulad ng tinapay na hindi nabaliktad. 9Inuubos ng mga taga-ibang bansaang kanilang kakayahan,ngunit hindi nila ito namamalayan;katulad sila ng isang taong pumuputina ang buhokngunit hindi niya ito napapansin.10Ang pagmamataas ng Israelay nagpapatunayna dapat silang parusahan.Subalit kahit nangyayariang lahat ng ito sa kanila,hindi pa rin sila nagbalik-loobat lumapit sa akinna kanilang Panginoon.11“Tulad sila ng kalapatingmadaling lokohinat walang pang-unawa.Humingi sila ng tulongsa Ehipto at Asiria.12Subalit habang paparoon sila,pipigilan ko sila na parang ibonna nahuli sa lambatat hinila pababa.Parurusahan ko silaayon sa aking sinabisa kanilang pagtitipon.13Nakakaawa siladahil lumayo sila sa akin.Lilipulin ko siladahil naghimagsik sila sa akin.Gusto ko sana silang iligtas,ngunit nagsalita silang kasinungalingantungkol sa akin.14Hindi bukal sa kanilang pusoang pagtawag nila sa akin,ngunit umiiyak sila sa kanilang higaan.Sinasaktan nila ang kanilang sarili habang sumasamosa mga diyos-diyosanpara sa pagkaing butil at inumin,at akoʼy kanilang tinalikuran.15Dinisiplina ko silaupang silaʼy maging matatag,ngunit nagbalak pa rin silang masama laban sa akin.16Lumapit sila sa mga bagayna walang kabuluhan. Para silang panang baluktotna walang pakinabang.Mamamatay sa digmaanang kanilang mga pinunodahil wala silang galangkapag nagsasalita.At dahil dito,kukutyain sila ng mga taga-Ehipto.
Biblica, Inc.