Hoseas6
Hindi Tapat ang Pagsisisi ng Israel
1Nag-usap-usap ang mga taga-Israel.Sabi nila, “Halikayo!Magbalik-loob tayosa Panginoon.Sinaktan niya tayo,ngunit siya rinang magpapagalingsa atin.2Para tayong mga patayna agad niyang bubuhayin.Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayoupang mamuhaysa kanyang presensya.3Pagsikapan nating makilalaang Panginoon.Siyaʼy tiyak na darating,kasing tiyak ng pagsikat ng araw.Darating siyang parang ulanna magdidilig sa mga lupain.”4“O Israel at Juda,ano ang gagawin ko sa inyo?Ang pag-ibig ninyo sa akiʼyparang ambon o hamogsa umaga na madaling mawala.5Kaya nga binalaan ko kayosa pamamagitan ng mga propetana kayoʼy mapapahamakat mamamatay.Hahatulan ko kayona kasimbilis ng kidlat.6Sapagkat hindi ang inyong mga handogang nais ko,kundi ang inyong pagmamahal. Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo akobilang Diyoskaysa sa mag-alay kayong mga handog na sinusunog.7Ngunit tulad ni Adan,sinira ninyo ang kasunduan natin.Nagtaksil kayo sa akin diyansa inyong lugar. 8Ang bayan ng Gileaday tirahan ng mga makasalananat nabahiran ng mga bakasng mga paang madudugo.9Ang inyong mga pariay parang mga tulisan nanag-aabang ng kanilang mabibiktima.Pumapatay sila sa daang patungosa Shekem, at gumagawa ng maramingnakakahiyang gawain.10Mga taga-Israel, kakila-kilabotang nakita ko sa inyo.Sumasamba kayosa mga diyos-diyosan,kaya naging marumi kayo.11“Kayo ring mga taga-Judaay nakatakda nang parusahan.“Nais ko sanang ibalikang mabuting kalagayanng aking mga mamamayan.”Biblica, Inc.