Hoseas5
Ang Hatol laban sa Israel
1Sinabi pa ng Panginoon,“Makinig kayo, kayong mga pari!Dinggin ninyo ito, kayong mga Israelita,pati na kayong nabibilangsa sambahayan ng hari!Ang hatol na ito laban sa inyo:Kayo ay naging bitag sa Mizpa,isang lambat na inihagis sa Tabor.2Nagrerebelde kayo sa akinat gusto ninyong pumatay,kaya didisiplinahin ko kayong lahat.3Alam ko ang lahat ng tungkolsa inyong mga taga-Israel. Wala kayong maililihim sa akin.Sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan kaya naging marumi kayo.4“Ang inyong masasamang gawainang pumipigil sa inyoupang magbalik-loobsa akin na inyong Diyos.Sapagkat nasa puso ninyoang espirituna nag-uudyoksa inyong mangalunyakapag sinasamba ninyoang mga diyos-diyosan,at hindi ninyo ako kinikilalang Panginoon.5Ang pagmamataas ninyoay nagpapatunayna dapat kayong parusahan.At dahil sa mga kasalanan nʼyo,mapapahamak kayo,kayong mga taga-Israelpati ang lahi ni Efraimkasama ang mga taga-Juda.6Maghahandog kayo ng mga tupa,mga kambing, at mga bakasa paglapit ninyo sa Panginoon.Ngunit hindi ninyo mararanasanang presensya kosapagkat itinakwil ko na kayo.7Nagtaksil kayo sa Panginoon,dahil nagkaanak kayo sa labas.Kaya lilipulin ko kayoat sisirain ko ang lupain ninyosa loob lamang ng isang buwan. 8“Hipan ninyo ang mga trumpetaupang bigyang babalaang mga taosa Gibea at Rama!Iparinig ang sigaw ng digmaan sa Bet-aven!Magbantay kayo,kayong mga mamamayan ng Benjamin. 9Mawawasak ang Israelsa araw ng pagpaparusa.Tiyak na mangyayari ang sinasabi kolaban sa mga lahi ng Israel!10Ang mga pinuno ng Judaay katulad ng taong naglilipat ng muhon dahil inagaw nila ang lupain ng Israel.Kaya ibubuhos ko sa kanilaang aking galit na tulad ng baha.11Ginigipit at winawasak ang Israeldahil pinarurusahan ko siya.Sapagkat patuloy siyang sumusunodsa mga diyos-diyosan.12Sapagkat akoʼy tulad ng gamo-gamosa lahi ni Efraim,tulad ng kalawang na sisirasa sambahayan ni Juda.13“Nang makita ng mga taga-Israelat taga-Judaang kanilang masamang kalagayan, humingi ng tulong ang Israelsa makapangyarihang hari ng Asiria.Subalit hindi ito makakatulongsa kanila. 14Sapagkat sasalakayin kong gaya ng leonang Israel at ang Juda.Ako mismo ang lilipolsa kanila.Dadalhin ko sila sa ibang bansaat walang makapagliligtas sa kanila.15Pagkatapos, babalik akosa aking lunggahanggang sa maparusahan siladahil sa kanilang mga kasalanan.At sa gayoʼy hahanapin nila ako;sa kanilang pagdurusaay lalapit sila sa akin.”Biblica, Inc.