Hoseas4
Ang Paratang Laban sa Israel
1Kayong mga Israelitang naninirahansa lupain ng Israel,pakinggan ninyo ang salita ng Panginoonsapagkat may paratang siya laban sa inyo:“Wala ni isa man sa inyong lupainang tapat, nagmamahal,at kumikilala sa akin.2Sa halip, laganap ang paggawang masama sa kapwa,pagsisinungaling, pagpatay,pagnanakaw at pangangalunya.Laganap ito kahit saan,at sunod-sunod ang patayan.3Dahil dito, natutuyo ang inyong lupainat ang mga naninirahan doonay namamatay,pati mga hayop: ang lumalakad,lumilipad, at ang lumalangoy.4“Ngunit walang sinumanang dapat mang-usigo mang-akusa sa kanyang kapwasapagkat kayong mga pariang gusto kong isakdal.5Kayo at ang mga propetaay mapapahamaksa araw man o sa gabipati ang inyong mga ina. 6Napapahamakang aking mga mamamayandahil kulang ang kaalaman nilatungkol sa akin.“Sapagkat kayo mismong mga pariay tinanggihan ang kaalamang ito,kaya tinatanggihan ko rin kayobilang mga pari ko.Kinalimutan ninyo ang aking kautusankaya kalilimutan ko rinang inyong mga anak.7Habang dumarami kayong mga pari,dumarami rinang mga kasalanan ninyo sa akin.Ipinagpalit ninyo ang luwalhati ng Diyossa nakakahiyang mga diyos-diyosan.8Gusto ninyong magkasalaang aking mga mamamayanupang makakain kayomula sa kanilang mga handogsa paglilinis. 9Kaya kung paano ko parurusahanang mga mamamayan,ganoon ko rin parurusahankayong mga paridahil sa masasama ninyong ginawa.10“Kumakain nga kayongunit hindi kayo nabubusog.Sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan upang kayoʼy magkaanak.Ngunit hindi kayo magkakaanaksapagkat itinakwil ninyo ang Panginoon11upang sumamba sa mga diyos-diyosan.Mga mamamayan ko,ang bago at lumang alakay nakakasirang inyong pang-unawa.12Sumasangguni kayo sa diyos-diyosang kahoy,at sa tungkod na sabi ninyoʼy sumasagot.Iniligaw kayo ng espiritu ng pagtataksiltulad ng babaeng bayaranat akoʼy inyong iniwanupang habulin ang ibang diyos-diyosan.13Naghahandog kayo sa tuktokng mga bundok at mga burol,sa ilalim ng matataas at mayayabongna mga kahoy,dahil masarap lumilim doon.Kaya ang inyong mga anak na babaeay nakikipagsiping sa mga lalakiat ang inyong mga manugang na babaeay nangangalunya.14“Ngunit hindi ko sila parurusahansa kanilang ginagawang masama,dahil kayong mga lalakiay sumisiping dinsa mga babaeng bayaran sa temploat kasama pa nilang naghahandogsa mga diyos-diyosan.Sapagkat kayoʼy mga mangmangsa katotohanan,mapapahamak kayo.15“Mga taga-Israel,kahit na akoʼy tinalikuran ninyotulad ng babaeng nangalunya,huwag na ninyong idamayang mga taga-Juda.”“At kayong mga taga-Juda,huwag kayong pumuntasa Gilgal at sa Bet-aven upang sumamba sa akino gumawa ng mga pangakosa pangalan ng Panginoon.16Sapagkat matigas ang ulong mga taga-Israelkatulad ng dumalagangbaka na ayaw sumunod.Kaya paano sila mababantayanng Panginoontulad ng mga tupang nasa pastulan?17Sumamba ang Efraimsa mga diyos-diyosankaya pabayaan na lang sila.18Ubos man ang inumin nilang nakakalasing,patuloy pa rin ang kanilang pangangalunya(na parang mga bayarang babae).Gustong-gusto ng kanilang mga pinunona gumawa ng mga nakahihiyang bagay.19Kaya lilipulin sila na parang tinatangayng malakas na hangin,at mapapahiya sila dahilsa kanilang paghahandogsa mga diyos-diyosan.”Biblica, Inc.