Hoseas13
Ang Poot ng Diyos laban sa Israel
1“Noong una,kapag nagsalita ang lahi ni Efraim,nanginginig sa takotang ibang mga lahi ng Israeldahil tinitingala nila ang lahi ni Efraim.Ngunit nagkasalaang mga mamamayan nitodahil sumamba silasa diyos-diyosang si Baal.Kaya nga namatay sila.2Hanggang ngayonay patuloy pa rin kayosa paggawa ng kasalanan. Gumagawa kayo ng mga diyos-diyosanmula sa inyong mga pilakupang sambahin.Ngunit ang lahat ng itoay gawa lamang ng taoat ayon lang sa kanyang naisip.Sinasabi pa ninyona maghahandog kayo ng taosa mga diyos-diyosang bakaat hahalik sa mga ito.3Kaya mawawala kayo gaya ng ulapsa umaga o hamog,o gaya ng ipasa giikan na tinatangay ng hangino ng usok na lumalabas sa pausukan.4“Ako ang Panginoonna inyong Diyosna naglabas sa inyo sa Ehipto. Wala kayong kikilalaning Diyosat Tagapagligtas maliban sa akin.5Kinalinga ko kayo doon sa disyerto,sa lupaing tuyot at walang tubig.6Ngunit pagkatapos ko kayongpagpalain at paunlarin,naging mapagmataas kayoat kinalimutan na ninyo ako.7Kaya sasalakayin ko kayoat lalapain tulad ng ginagawang mabangis na hayopsa kanyang biktima.Lalapain ko kayogaya ng ginagawa ng leonat ng osong inagawan ng anak.Babantayan ko kayo sa daanat sasalakayin tuladng hayop na leopardo.9“Pupuksain ko kayong mga taga-Israeldahil ako na nagligtas sa inyoay kinalaban ninyo.10Nasaan na ngayon ang mga hariat mga pinuno na sa tingin ninyoʼymagliligtas sa inyo?Hiningi ninyo sila sa akinsa pag-aakalang maliligtas nila kayo,at sa galit ko sa inyoʼy ibinigay konga ang mga ito,at dahil din sa galit ko,silaʼy kinuha ko.12Hindi ko makakalimutanang mga kasalanan ninyo. Katulad ang mga itong kasulatang binalot at itinago.13Binigyan ko kayong pagkakataong magbagong-buhaysubalit tinanggihan ninyo itosapagkat mga mangmang kayo.Para kayong mga sanggolna ayaw lumabassa sinapupunan ng kanyang inasa panahon nadapat na siyang lumabas.14“Hindi ko kayo ililigtas sa kamatayan.Sa halip sasabihin ko sa kamatayan,‘O kamatayan,nasaan ang iyong mga salot?Nasaan ang iyong kapahamakanna papatay sa kanila?’“Hinding-hindi ko kayo kahahabagan.15Kahit na mas maunlad kayokaysa sa inyong kapwa,lilipulin ko kayo.Paiihipin ng Panginoonang mainit na hanging silanganna nagmumula sa disyertoat matutuyo ang inyongmga bukal at mga balon,at sasamsaminang inyong mahahalagang ari-arian.16Dapat pasanin ng mga taga-Samariaang kanilang pagkakasaladahil naging suwail silasa akin na kanilang Diyos.Mamamatay sila sa digmaan;ang kanilang mga sanggolay dudurugin,at ang tiyan ng kanilang mga buntisay lalaslasin.”Biblica, Inc.