Hoseas11

Ang Pag-ibig ng Diyos sa Israel

1“Minahal ko ang Israel noongkabataan niya. Itinuring ko siyang anakat tinawag ko siya mula sa Ehipto. 2Ngunit ngayon,kahit na patuloy kong  tinatawagang mga mamamayan ng Israel,lalo pa silang lumayo sa akin. Naghahandog silaat nagsusunog ng mga insensosa diyos-diyosang si Baal.3Ako ang nag-alaga sa kanila.Inakay ko sila  at tinuruang lumakad,ngunit hindi nila kinilala na akoang kumalinga  sa kanila.4Pinatnubayan ko silanang buong pagmamahal,tulad ng isang taong nag-aangatng pamatok sa baka upang mapakain ito.
5“Ngunit dahil ayaw nilang bumaliksa akin,babalik sila sa Ehipto,at paghaharian sila ng Asiria.6Lulusubin ng mga kalabanang kanilang mga lungsodat sisirain ang mga tarangkahanng pintuan nito.Wawakasan ng mga kaawayang lahat nilang balak.7Nagpasyang lumayo sa akinang aking mga mamamayan.Kaya kahit na sama-sama pa silana dumulog sa akinna Kataas-taasang Diyos,hindi ko sila tutulungan.
8“Mga taga-Israel, hindi ko magagawana itakwil kayo o pabayaan na lang.Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusangaya ng ginawa ko sa mga lungsodng Adma at Zeboim.Hindi matatanggap ng aking kaloobanna gawin ko ito sa inyo.Awang-awa ako sa inyo.9Hindi ko na ipadaramaang matindi kong galit;hindi ko na gigibain ang Israel,dahil akoʼy Diyos at hindi tao.Ako ang Banal na Diyosna kasama ninyo.Hindi ako paparitosa inyo nang may galit.10Susunod kayosa akin na inyong Panginoonkapag umatungal ako na parang leon.Kapag umatungal na ako,kayong mga anak ko ay uuwina nanginginig  mula sa kanluran.11Takot kayong darating,nanginginig na parang mga ibonmula sa Ehiptoo parang mga kalapatingmula sa Asiria.Ibabalik ko kayo sa inyong mga tahanan,”sabi ng Panginoon.

Ang Kasalanan ng Israel at Juda

12Sinabi pa ng Panginoon,“Palagi akong pinagsisinungalinganat niloloko ng mga taga-Israel.Ang mga taga-Juda ay patuloyna lumalayo sa akin,ang Diyos na banal at tapat.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3