Habakuk2

1Sinabi ni Habakuk, “Aakyat ako sa tore,sa aking bantayanat hihintayin ko kung ano ang sasabihinsa akin ng Panginoonat kung ano ang kanyang sagotsa aking hinaing.”

Ang Sagot ng Diyos kay Habakuk

2Ito ang sagot ng Panginoonkay Habakuk:“Isulat mo nang malinawsa malalapad na batoang pahayag na itoupang madaling basahinng magpapahayag nito.3Sapagkat hindi pa dumaratingang takdang panahonpara mangyari ito.Ngunit hindi magtatagalat tiyak na mangyayari ito.Kahit magtagal nang kaunti,hintayin mo lang,dahil tiyak na mangyayari itosa takdang panahon.
4“Tingnan mo ang mga taong mapagmataas.Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.Ngunit ang taong matuwid ay mabubuhaydahil sa kanyang pananampalataya. 5Ang totoo,hindi maaasahan ang kayamanan. At ang mga taong mapagmataasna sakim sa kayamananay laging balisa at walang kasiyahan.Tulad nilaʼy kamatayan na hindi makukuntento.Kaya binibihag nila ang maraming bansa.
6“Ngunit kukutyain sila ng mga bansang iyon sa pamamagitan ng mga salitang ito,‘Nakakaawa naman kayo,kayong nangunguhang mga bagay na hindi sa inyoat nagpapayaman sa pamamagitanng pandaraya.Hanggang kailan pa ninyo ito gagawin?’7Biglang dadating ang inyongmga inutangan.Sasalakayin nila kayo at sasamsaminang lahat ng inyong ari-arian,habang nanginginig kayo sa takotat walang kalaban-laban.8Dahil maraming bansaang sinamsaman ninyong mga ari-arian,kayo naman ang sasamsamanng mga natitirang taosa mga bansang iyon.Mangyayari ito sa inyodahil sa inyong pagpatay ng mga taoat pamiminsala sa kanilang mga lupainat mga bayan.
9“Nakakaawa kayo,kayong nagpapatayo ng mga bahay sa pamamagitanng perang nakuha ninyosa masamang paraan.Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahayupang makaligtas kayokapag dumating ang kapahamakan.10Dahil sa pagpatay ninyong maraming tao,kayo rin ay papatayinat wawasakin ang inyong mga bahay. 11Ang mga bato sa paderay sisigaw laban sa inyo,at sa mga biga ng bahayay aalingawngaw ang mga hinaing.
12“Nakakaawa kayo,kayong nagpapatayo ng lungsodsa pamamagitan ng pagdanak ng dugo.Handa kayong pumatayupang itoʼy maitayo.13Ngunit ang mga ipinatayo ninyosa mga taong binihag ninyoay susunugin lang,kaya mawawalan ng kabuluhanang inyong pinagpaguran.Itinakda na iyan ng Panginoonng mga Hukbo.14Sapagkat kung paanong ang karagatanay puno ng tubig,ang lahat ng tao sa mundoay mapupuno rin ng kaalamantungkol sa kadakilaan ng Panginoon.
15“Kahabag-habag kayong mga nagpapainomsa inyong kapwa,ibinubuhos ninyo ang alakhanggang silaʼy malasingupang makita ninyo silang huboʼt hubad.16Ngayon kayo naman ang ilalagaysa kahihiyan sa halip na parangalan,dahil parurusahan kayong Panginoon.Kayo naman ang paiinumin niyasa tasa ng kanyang galit,at kapag lasing na kayo,makikita ang inyong kahubaran at malalagay kayo sa kahihiyan.17Pinutol ninyo ang mga puno sa Lebanon,at dahil dito,namatay ang mga hayop doon.Kaya ngayon,kayo naman ang pipinsalainat manginginig sa takot.Mangyayari ito sa inyodahil sa pagpatay ninyo ng mga taoat pagpinsala sa kanilang mga lupainat mga bayan.
18“Ano ang kabuluhanng mga diyos-diyosan?Ang mga itoʼy gawang mga tao lamang,mga imaheng nagtuturong kasinungalingan.At bakit nagtitiwala ditoang taong may gawa sa kanya?Ni hindi nga ito makapagsalita.19Nakakaawa kayong nagsasabisa rebultong kahoy o bato,‘Gumising ka at tulungan kami.’Ni hindi nga iyanmakapagtuturo sa inyo.At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak,wala naman itong buhay.”
20Ngunit ang Panginoonay nasa kanyang banal na Templo.Kaya ang buong mundoay mananahimik sa kanyang harapan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3