Ang Mangangaral11

Ang Gawain ng Taong Marunong

1Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyoat sa kalaunan ay kikita ka. 2Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang  negosyo, dahil hindi mo alam kung anong kalamidadang darating dito sa mundo.
3Kapag makapal na ang ulap,magbubuhos ito ng ulan sa mundo.At kung saan natumba ang puno,doon iyon mananatili. 4Kung palagi ka lang maghihintayng magandang panahon,hindi ka makakapagtanimat wala kang aanihin.
5Kung paanong hindi mo nalalamanang direksyon ng hangino kung paano lumalaki ang sanggolsa sinapupunan ng kanyang ina,hindi mo rin maiintindihanang gawa ng Diyos,ang Manlilikha ng lahat ng bagay.
6Maghasik ka ng binhisa umaga hanggang gabi,dahil hindi mo alamkung alin sa itinanim mo ang tutubo,o kung lahat ito ay tutubo.

Alalahanin Mo ang Iyong Manlilikha

7Ang liwanag ay napakatamis,at nakalulugod sa matana makita ang araw.8Kaya sa buong buhay moay maging masaya ka,gaano man ito kahaba.Ngunit, alalahanin mongdarating ang kamatayanat magtatagal iyon.Lahat ng mangyayariay walang kabuluhan.
9Kayong mga kabataan, magsaya kayohabang kayoʼy bata pa.Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin,pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyosayon sa inyong mga ginawa.10Huwag kayong mag-alala o mabalisa mandahil ang panahon ng kabataanay lumilipas lang.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3