Ang Mangangaral10

1Kung paanong napapabahong isang patay na langawang isang boteng pabango,ganoon din ang kaunting kamangmangan,nakakasira ng karunungan at karangalan.2Ang taong marunong ay gustonggumawa ng kabutihan,ngunit ang hangal ay gustonggumawa ng kasamaan.3At kahit sa paglalakad ng hangal,nakikita ang kawalan niya ng karununganat ipinapakitasa lahat ang kanyang kahangalan.4Kung nagalit sa iyo ang iyong pinuno,huwag kang magbitiw sa tungkulin,sapagkat kung ikaw ay mahinahon,maitutuwid mo ang iyong pagkakamali.
5May isa pa akong nakitanghindi maganda rito sa mundoat itoʼy ginagawa ng mga pinuno:6Ang mga mangmangay binibigyan ng mataas na tungkulin,pero ang mga mayayaman ay binibigyan ng mababang tungkulin.7Nakakita rin ako ng mga alipingnakasakay sa kabayohabang ang mga dakilang taoʼynaglalakad na parang alipin.
8Kapag ikaw ang naghukay,baka ikaw din ang mahulog doon.Kapag lumusot ka sa butas ng pader,baka tuklawin ka ng ahas doon.9Kapag nagtibag ka ng bato,baka mabagsakan ka nito.Kapag nagsibak ka ng kahoy,baka masugatan ka nito.
10Kapag palakol moʼy mapurolat hindi mo hinahasa,buong lakas ang kailangan mosa paggamit nito.Mas nakakahigit kakung ikaʼy marunong,dahil sa pamamagitannitoʼy magtatagumpay ka.
11Walang saysay ang kakayahan mongmagpaamo ng ahas,kung tutuklawin ka lang naman nito.
12Ang sinasabi ng marunongay magbibigay sa kanya ng kabutihan,pero ang sinasabi ng hangalay magpapahamak sa kanya.13Sa umpisa pa langkamangmangan na ang sinasabi niya,at kinalaunanay naging masamang-masama na,na parang nawawala na siya sa sarili.14At wala siyang tigil sa kasasalita.Walang nakakaalam tungkolsa mga mangyayari sa hinaharap,kaya walang makapagsasabikung ano ang mangyayarikapag tayoʼy patay na.
15Napapagod ang mangmangsa kanyang trabaho,kaya naiisip niyang huwag nang pumuntasa bayan para magtrabaho. 
16Nakakaawa ang isang bansana ang hari ay isip-bataat ang mga pinunoʼy purohandaan ang inaatupag.17Pero mapalad ang bansa na ang hariay ipinanganak sa marangal na pamilyaat ang mga pinunoay naghahanda lamang sa tamang panahonpara sa ikalalakas at hindi sa paglalasing.
18Pinapabayaan ng taong tamad natumutulo ang bubong ng kanyang bahayhanggang sa mawasak naang buong bahay niya.
19Makapagpapasaya sa taoang handaan at inuman;at ang pera ay makapagbibigayng lahat niyang pangangailangan.
20Huwag mong susumpain ang harikahit sa isip mo lang o ang mayayamankahit na palihim lang,dahil baka may magsabi sa kanila. 

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3