Ang Mangangaral9

Ang Karaniwang Hahantungan ng Bawat Tao

1Inisip kong mabuti ang lahat ng bagay at nalaman kong nasa patnubay ng Diyos ang matutuwid at marurunong, pati na ang kanilang mga ginagawa. Pero hindi nila alam kung ang kasasapitan ba nila ay pag-ibig o poot.2Iisa lang ang kasasapitan ng lahat ng klase ng tao – ang matuwid at ang masama, ang tama at ang mali, ang malinis at ang marumi, ang naghahandog at ang hindi naghahandog.Pareho lang ang matuwidat ang makasalananat pareho lang din ang sumusumpaat hindi sumusumpa.
3Ito ang hindi maganda sa lahat ng nangyayari rito sa mundo: iisa lang ang kasasapitan ng lahat. At hindi lang iyan, kundi pawang kasamaan at kamangmangan ang iniisip ng tao habang nabubuhay, at pagkatapos ay mamamatay din siya.4Habang may buhay ang tao, may pag-asa. May kasabihan nga, “Mas mabuti pa ang buháy na aso kaysa sa patay na leon.”5Ang totoo,alam ng buháy na taona mamamatay siya.Pero ang patayay walang nalalaman.Wala na rin siyang gantimpalang matatanggapat kahit ang kanyang pangalanay makakalimutan.6Ang pag-ibig nila, pootat inggit noong nabubuhay pa ay wala na.At wala na rin silang malaysa lahat ng nangyayari rito sa mundo.
7Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Diyos na gawin mo.8Palagi ka sanang maging maligaya. 
9Magpakasaya ka kasama ang minamahal mong asawa, sa buhay mong walang kabuluhan na ibinigay ng Diyos dito sa mundo. Sapagkat para sa iyo naman iyan, para sa pagpapagal mo rito sa mundo.10Gawin mo ng buo mong makakaya ang iyong ginagawa, dahil wala nang trabaho roon sa lugar ng mga patay na patutunguhan mo. Wala nang pagpaplano roon, wala ring kaalaman at karunungan.
11Mayroon pa akong nakita rito sa mundo:Hindi lahat ng mabibilisay nananalo sa takbuhan,at hindi lahat ng malalakasay nananalo sa labanan.Hindi rin lahat ng matatalinoay nagkakaroon ng hanapbuhay,hindi lahat ng marurunongay nagiging mayamanat hindi rin lahat ng may kakayahanay nagtatagumpay.Dahil ang bawat taoay may kanya-kanyang kapalaran.
12Ngunit hindi niya alam kung kailan darating ang takdang oras.Tulad siya ng isang ibong nabitago ng isdang nahuli sa lambat.Biglang dumarating sa taoang masamang pagkakataonna para siyang nahulisa isang patibong.

Mas Mabuti ang Karunungan Kaysa Kamangmangan

13Mayroon pang isang halimbawa ng karunungan na aking nagustuhan.14May isang maliit na lungsod na kakaunti lang ang mga mamamayan. Nilusob ito ng makapangyarihang hari kasama ng kanyang mga kawal at pinalibutan.15Sa lungsod na iyon ay may isang lalaking marunong pero mahirap. Maaari sana niyang iligtas ang lungsod sa pamamagitan ng kanyang karunungan pero walang nakaalala sa kanya.16Sinabi kong mas mabuti ang karunungan kaysa sa kapangyarihan, pero ang karunungan ng isang taong mahirap ay hindi binibigyang halaga at ang mga sinasabi niyaʼy hindi pinapansin.17Ang marahang salita ng marunongay mas magandang pakinggankaysa sa sigaw ng isang pinunong hangal.18Mas makapangyarihan ang karunungankaysa sa mga sandata ng digmaan.Pero ang isang makasalananay makakasira ng maraming kabutihan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3