Amos9
Walang Makakatakas sa Parusa ng Diyos
1Sinabi ni Amos: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa altar at sinabi niya,“Hampasin mo ang itaas na bahaging mga haligi ng temploupang mawasak ang bubong at nang mabagsakan ang mga tao.Ang matitirang buhayay mamamatay sa digmaan.Wala ni isa mang makakatakaso makakaligtas.2Kahit magtago pa sila sa ilalim ng lupa,o sa lugar ng mga patay,kukunin ko pa rin sila.Kahit na umakyat pa sila sa langit,hihilahin ko pa rin sila pababa.3Kahit na magtago pa silasa tuktok ng Bundok ng Carmel,hahanapin ko sila roonat huhulihin.Magtago man silasa kailaliman ng dagat,uutusan ko ang ahasna tuklawin sila.4Kahit na bihagin silang kanilang mga kaaway,ipapapatay ko pa rin sila.Dahil desidido na akong lipulin silaat huwag nang tulungan.”5Kapag hinipo ng Panginoonng mga Hukbo ang lupa,mayayanig ito at mag-iiyakanang lahat ng naninirahan dito.Ang pagyanig nito ay parang pagtaasat pagbaba ng tubigsa Ilog ng Nilo sa Ehipto.6Ang Diyos ang gumawang kanyang sariling tirahan sa langit.At siya ang gumawa ng kalawakansa itaas ng lupa.Siya rin ang nag-iiponng tubig-dagat sa mga alapaapat pinauulan ito sa lupa.Ang pangalan niyaʼy Panginoon.7Sinabi ng Panginoon,“Ang turing ko sa inyona mga taga-Israelay katulad lang sa mga taga-Etiopia. Totoong inilabas ko kayosa Ehipto,pero inilabas ko rinang mga Filisteo sa Caftor at ang mga Arameo sa Kir.8Ako, ang Makapangyarihang Panginoonay nagmamanmansa inyong makasalanang kaharian.At lilipulin ko kayohanggang sa mawala kayonang lubusan sa mundo.Pero may ilang matitira sa inyona mga lahi ni Jacob,”sabi ng Panginoon.9Tingnan ninyo! Mag-uutos na ako;sasalain ko kayongmga mamamayan ng Israelkasama ng lahat ng bansa,tulad ng pagsala sa mga butil.At kung paanong hindi nakakalusotang maliliit na bato sa salaan,10hindi rin makakalusot sa akinang masasama sa inyo,kundi mamamatay silang lahat sa digmaan,silang mga nagsasabina wala raw masamang mangyayari sa kanila.Muling Itatayo ang Israel
11“Darating ang arawna muli kong itatayoang kaharian ni Davidna tulad sa kubong nawasak.Aayusin ko ito sa kanyang pagkakagibaat itatayong muli kagayanoong una,12upang masakop ng mga Israelitaang natitirang lupain ng Edomat ang iba pang mga bansangsinakop nila noon,na itinuring kong akin.”Sinabi ito ng Panginoonat gagawin niya ang mga bagay na ito.13“Darating ang araw,” sabi ng Panginoon,na magiging masaganaang kanilang ani,hindi pa nga nila natataposang pag-aani,sinisimulan na namanang pag-aararo.At hindi pa natataposang pagpisa ng ubas,panahon na namanng pagtatanim nito.Kung titingnan ang napakaraming ubasna namumunga sa mga bundok at burol,para bang dumadaloyang matamis na bagong katas nito.14Pababalikin ko ang mga mamamayankong Israelitasa kanilang lupain mulasa pagkakabihag. “Muli nilang itatayo ang kanilangmga nasirang bayanat doon na sila maninirahan.Magtatanim sila ng ubasat iinom ng katas nito.Magtatanim sila sa kanilang mga halamanan,at kakainin nila ang mga bunga nito.15Patitirahin ko silang mulisa lupaing ibinigay ko sa kanilaat hindi na muling paaalisin.”Ito nga ang sinabi ng Panginoon na inyong Diyos.Biblica, Inc.