Amos8

Ang Basket ng mga Hinog na Prutas

1Ito ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita ko ang isang basket na may mga hinog na prutas.2Tinanong niya ako, “Amos, ano ang nakikita mo?”
Sumagot ako, “Isang basket po ng mga hinog na prutas.”
Sinabi sa akin ng Panginoon, “Dumating na ang katapusan ng mga mamamayan kong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan.
3“Sa araw na iyon, ang masasayang awitan sa templo ay magiging iyakan dahil kakalat ang patay kahit saan. At wala nang maririnig na ingay. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”4Makinig kayo,kayong mga nanggigipitsa mga mahihirapat nagtatangkang lipulin sila.5Sabi ninyo, “Kailan matataposang Pista ng Bagong Buwano ang Araw ng Pamamahingapara makapagbenta na tayong mga inaning butil?”Inip na inip na kayong mandayasa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang,pagtataas sa presyo at maling takalan.6Nagmamadali kayong makapagbentang mga butil na hinaluan ng ipa,upang makabili kayo ng taong dukhana ipinagbibiling alipindahil hindi siya makabayadng kanyang utang,kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamangng isang pares ng sandalyas.
7Kaya sumumpa ang Panginoon, ang Diyos na ipinagmamalaki ng mga lahi ni Jacob: “Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kasamaan na ginawa ninyo.8Dahil ditoʼy mayayanig ang lupa,at ang lahat ng taoʼy magluluksa.Ang buong lupain ay aangat katuladng Ilog Nilo;magugulo ito at pagkataposay muling lulubog katuladng ilog ng Ehipto.9Sa araw na iyon,”sabi ng Makapangyarihang Panginoon“palulubugin ko ang arawsa katanghaliang tapat,kaya didilim ang buong lupainkahit araw pa.10Gagawin kong iyakanang kasayahan sa inyong pista,at ang inyong pag-aawitanay magiging panaghoy.Pagdadamitin ko kayo ng sakoat uutusang magpakalboupang ipakitaang inyong pagdadalamhati,katulad ng mga magulangna umiiyak sa pagkamatayng kanilang kaisa-isang anak.Ngunit magiging mas masakit paang huling parusa.”
11“Darating ang araw,”sabi ng Makapangyarihang Panginoon,“na padadalhan ko ng taggutomang inyong lupain.Ngunit hindi ito pagkagutom sa pagkaino pagkauhaw sa tubig,kundi pagkagutom at pagkauhawsa aking mga salita.12Pagod na pagod na kayoat naghahanap mula sa hilagahanggang silangansa paghahanap ng mga taongmakakapagpahayag sa inyong salita ng Panginoon,ngunit hindi ninyo matagpuankahit saan kayo pumunta.
13“Sa araw na iyon naparurusahan ko kayo,kahit ang inyong magagandang dalagaat ang inyong malalakas na mga binataay mawawalan ng malaydahil sa matinding uhaw.14Kayong mga nanunumpasa ngalan ng mga diyos-diyosanng Samaria, Dan at Beer-seba,lilipulin kayoat hindi na makakabangon.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3