Obadias1
Ang Pangitain ni Obadias
1Ito ang mga pangitain ni Obadias.Ganito ang sinabi ng Panginoong Diyos tungkol sa bansang Edom:Narinig namin mula sa Panginoonna nagsugo siya ng mensaherosa mga bansa,“Tumindig kayoʼt salakayin natin ito!”2“Makinig kayo!Gagawin ko kayong pinakamahinasa lahat ng bansaat kayoʼy labis na hahamakin.3Sinasabi ninyong walangmakakapagpabagsak sa inyodahil nakatira kayo sa lugarna mataas at mabato.Sa pagyayabang ninyong ito,dinadaya lamang ninyoang inyong mga sarili.4Sapagkat kahit lumipad pa kayongtulad ng agilaat magpugad sa mga bituin,ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa,”sabi ng Panginoon.5“Hindi baʼt kapag pinasokng mga magnanakawang iyong bahay,ang kinukuha lamang nilaay ang kanilang magustuhan?At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubasay nag-iiwan ng ilang bunga? Ngunit kayong lahatay lilipulin ng inyong mga kaaway.6Hahanapin nila at kukunin ang lahatng nakatagong kayamananng mga lahi ni Esau.7Lilinlangin kayong mga kakampi ninyong bansa.Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyoay siya ring sasalakay sa inyo,at palalayasin nila kayo sa inyong bayan.Silang mga nakisalo sa inyoang siya pang palihimna maglalagayng bitag laban sa inyo.8“Ako, ang Panginoon, ang nagsasabina sa araw ng paghatol ko sa inyo,lilipulin ko ang marurunong sa inyo.Mawawala ang karunungan sa Edomna tinatawag na Bundok ni Esau.9Manginginig sa takotang inyong mga sundalosa lungsod ng Teman,kaya mamamatay kayong lahatna nakatira sa Bundok ni Esau.”
Ang Kasalanan ng mga Taga-Edom
10Dahil sa inyong pagmamalupitsa lahi ni Jacob na inyong kapatid,malalagay kayo sa kahihiyanat lilipulin magpakailanman.11Pinabayaan lamang ninyoang Jerusalemnang salakayin itong ibang bansa.Pinabayaan ninyong kuninang kanilang mga ari-arianat paghati-hatian sa pamamagitanng palabunutan.Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel.12Hindi sana ninyo ikinatuwaang panahon ng kapahamakanng mga taga-Juda na inyong kalahi.Hindi sana kayo nagalaksa panahon ng kanilang pagkawasak.At hindi sana kayo nagmayabangsa panahon ng kanilang kahirapan.13Hindi dapat sana kayo pumasoksa lungsod ng aking mga mamamayansa panahon ng kanilang kasawianat kumuha ng kanilang mga ari-arian.At hindi sana kayo natuwasa panahon ng kanilang paghihirap.14Hindi sana kayo nag-abangsa mga sangang-daanupang patayin ang mga tumatakasmula sa Jerusalem.At hindi sana ninyo sila ibinigaysa mga kaawaysa panahon ng kanilang kasawian.Parurusahan ng Diyos ang mga Bansa
15“Malapit na ang arawng paghatol ng Panginoonsa lahat ng bansa.At kung ano ang inyong ginawa sa iba,ganoon din ang gagawin sa inyo.Kung paano ang pagtrato nʼyo sa iba,ganoon din ang magiging pagtratonila sa inyo.16Kung paanong pinarusahanang aking mga mamamayan sa aking banal na bundok, parurusahan din ang lahat ng bansa.Matinding parusaang ibibigay ko sa kanilahanggang malipol silang lahat.Magtatagumpay ang Israel
17“Ngunit may matitirang mga Israelitasa bundok ng Zion,at magiging banal muli ang lugar na ito.Maibabalik sa mga lahi ni Jacobang mga lupaing dati nilang pag-aari.18Ang mga lahi nina Jacob at Jose ay magiging tulad ng apoyna lilipol sa lahi ni Esau,tulad ng pagsunog sa dayami.At walang matitira sa lahi ni Esau.”Ito ang sinabi ng Panginoon.19“Sasakupin ng mga taga-Negeb ang bundok ni Esau,at sasakupin ng mga nakatirasa kaburulan sa kanluran ang lupain ng mga Filisteo.Sasakupin din ng mga Israelitaang lupain ng Efraim at Samaria,at sasakupin namanng lahi ni Benjamin ang Gilead.20Sasakupin ng nga Israelitanggaling sa pagkabihagang lupain ng Canaanhanggang sa Zarefat.Ang mga taga-Jerusalemna binihag sa Sefaraday sasakupin namanang mga bayan ng Negeb.21Aakyat sa Bundok ng Zionang mga tagapagpalaya ng Israelupang pamahalaan ang mga taongnaninirahan sa Bundok ni Esau.At ako, ang Panginoon,ang siyang maghahari.”Biblica, Inc.