Amos5

Ang Panawagan sa Pagsisisi

1Mga Israelita, pakinggan nʼyo itong panaghoy tungkol sa inyo:2“Ang Israel na katuladng isang babaeng birhenay nabuwal at hindi namuling makabangon.Pinabayaan siyang nakahandusaysa sarili niyang lupainat walang tumutulongpara ibangon siya.”
3Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon,“Sa isang libong sundalo na ipapadalang isang lungsod sa Israel,isang daan na lang ang matitira.At sa isang daang sundalona kanyang ipapadala,sampu na lang ang matitira.”
4Ito ang sinasabi ng Panginoon sa Israel:“Dumulog kayo sa akinat mabubuhay kayo.5Huwag na kayong pumunta sa Betel,sa Gilgal, o sa Beer-seba,upang sumamba roon.Sapagkat siguradong bibihaginang mga mamamayan ng Gilgalat mawawala ang Betel.”6Dumulog kayo sa Panginoon,kayong mga lahi ni Jose,at mabubuhay kayo.Dahil kung hindi, lulusubin kayona parang apoy.Kaya malilipol ang Betelat walang makakapigil nito. 
7Nakakaawa kayo!Ang katarunganay ginagawa ninyong marumi at pinawawalang-halaga ninyoang katuwiran!
8Ang Diyos ang lumikhang grupo ng mga bituingtinatawag na Pleyades at Orion.Siya ang nagpapalipasng liwanag sa dilim,at ng araw sa gabi.Tinitipon niya ang tubigmula sa karagatanupang pumunta sa mga ulapat muling ibuhos sa lupasa pamamagitan ng ulan.Panginoonang kanyang pangalan.9Agad niyang winawasakang matitibay na napapaderang bayan, at dinudurog ang napapaderang lungsod.
10Kayong mga taga-Israel,napopoot kayo sa humahatol nang tamaat nagsasabi ng totoo sa hukuman.
11Inaapi ninyo ang mga mahihirapat pinipilit na magbigaysa inyo ng kanilang ani. Kaya hindi kayo makakatirasa ipinatayo ninyong mansyong bato,at hindi kayo makakainom ng katasmula sa itinanim ninyong mga ubas.12Sapagkat alam ko kung gaano karami at kabigatang inyong mga kasalanan.Inuusig ninyoang mga taong walang kasalananat kinikikilan pa ninyo.Hindi ninyo binibigyan ng hustisyasa hukuman ang mga mahihirap.13Dahil naghahari ngayon ang kasamaan,ang marurunong ay tumatahimik na lang.
14Gawin na lamang ninyo ang mabutiat huwag ang masama para mabuhay kayo,at sasamahan kayong Panginoong Diyosng mga Hukbo,gaya nang inyong sinasabi.15Kapootan ninyo ang masamaat gawin ang mabuti,at pairalin ninyo ang hustisyasa inyong mga hukuman.Baka sakaling maawaang Panginoong Diyos ng mga Hukbosa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.
16Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo:“Darating ang araw na maririnigang mga iyakan at panaghoysa mga plasa at mga lansangan.Ipapatawag ang mga magsasakaupang umiyak sa mga patay kasama ng mga taong inupahanupang umiyak.17May mga iyakan dinsa inyong mga taniman ng ubas. Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo,”sabi ng Panginoon.

Ang Araw ng Paghatol ng Panginoon

18Nakakaawa kayong naghihintaysa araw ng paghatol ng Panginoon.Huwag ninyong isipinna araw iyon ng inyong kaligtasan.Sapagkat iyon ang arawna parurusahan kayo.19Para kayong taong nag-aakalang ligtas na siyadahil nakatakas siya sa leon,pero nasalubong naman niya ang oso.O di kayaʼy nag-aakalang ligtas na siyadahil nasa loob na siyang kanyang bahay,ngunit nang isinandal niyaang kanyang kamay sa dingding,tinuklaw ito ng ahas.20Tiyak na darating ang arawng paghatol ng Panginoonat itoʼy magdudulot ng kaparusahanat hindi kaligtasan;katulad ito ng dilim na walang liwanagkahit kaunti man lang.
21Sinabi ng Panginoonsa mga Israelita,“Napopoot ako sa inyong mga pista;hindi ako nalulugodsa inyong ginagawang pagtitipon.22Kaya kahit dalhan pa ninyo akong sari-saring handog,kahit pa ang pinakamabutinghandog pangkapayapaanay hindi ko tatanggapin.23Tigilan na ninyoang maingay ninyong awitan.Ayokong makinig sa tugtogng inyong mga alpa.24Sa halip, nais kong makitana pinapairal ninyo ang katarunganat ang katuwiran na parang ilogna patuloy na umaagos.
25“Mga mamamayan ng Israel,noong nasa ilangang inyong mga ninunosa loob ng apatnapung taon,naghandog ba sila sa akin?Hindi!26At ngayonay buhat-buhat ninyo si Sakut,ang diyos-diyosangitinuturing ninyong hari,at si Kaiwan,ang diyos-diyosan ninyong bituin.Ginawa ninyo itong mga imahen para sambahin.27Kaya ipapabihag ko kayoat dadalhin sa kabila pa ng Damasco,”sabi ng Panginoon na tinatawagna Panginoong Makapangyarihan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3