Amos4
Ang Hindi Pagkatuto ng Israel
1Pakinggan ninyo ito,mga babae sa bundok ng Samariana parang mga pinatabangbaka ng Bashan.Ginigipit ninyo ang mga dukhaat inaapak-apakan angmga nangangailangan.Inuutusan pa ninyo ang inyong asawa,“Dalhan mo pa kami ng maiinom!”2Sumusumpaang Makapangyarihang Panginoonsa kanyang kabanalan:“Tiyak na darating ang arawna kakaladkarin kayo bilang mga bihagna tulad ng mga isdang nabingwit.3Palalabasin nila kayosa inyong lungsodsa pamamagitan ng mga siwangng inyong gumuhong pader,at dadalhin nila kayosa lupain ng Harmon,”sabi ng Panginoon.4“Pumunta kayo sa Betelat gumawa kayo ng kasalanan.Pumunta kayo sa Gilgalat dagdagan pa ninyo ang mga ito.Dalhin ninyo ang inyong mga handogbawat umaga;dalhin ninyo ang inyong mga ikaputuwing ikatlong araw.5Sige, magsunog kayo ng tinapayna may pampaalsabilang handog ng pasasalamat.Ipagmalaki ninyo ang mga iyanpati ang inyong mga handog na kusang-loob,dahil iyan ang gusto ninyong gawin,”sabi ng Makapangyarihang Panginoon.6“Ako ang nagpadala sa inyo ng taggutomsa lahat ng inyong mga lungsod at bayan;ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,”sabi ng Panginoon.7“Ako rin ang pumigil sa ulansa loob ng tatlong buwanbago dumating ang anihan.Pinauulan ko sa isang bayanngunit sa iba ay hindi.Pinauulan ko sa isang bukirinngunit sa ibang bukirin ay tigang.8Ang mga taoʼy pasuray-surayna naghahanap ng tubig;palipat-lipat sila sa mga bayan,pero walang makuhangsapat na maiinom.Ngunit hindi pa rin kayonanumbalik sa akin,”sabi ng Panginoon.9“Sinira ko nang maraming besesang inyong mga taniman at ubasansa pamamagitanng mainit na hangin at ng mga amag.Sinalakay ng mga balangang inyong mga puno ng igos at olibo.Ngunit hindi pa rin kayonanumbalik sa akin,”sabi ng Panginoon.10“Pinadalhan ko kayong mga salotkatulad ng mga ipinadala kosa Ehipto.Ipinapatay ko ang inyongmga binata sa digmaanat ipinabihag ang inyongmga kabayo.Pinuno ko ang inyong mga ilongng alingasaw ng mga pataysa inyong mga kampo.Ngunit hindi pa rin kayonanumbalik sa akin,”sabi ng Panginoon.11“Nilipol ko ang iba sa inyokatulad ng ginawa kosa Sodoma at Gomora.At ang ilan sa inyo na nakaligtasay parang panggatongna inagaw sa apoy.Ngunit hindi pa rin kayonanumbalik sa akin.Ako, ang Panginoon,ang nagsasabi nito.12“Kaya muli kong gagawinang mga parusang itosa inyong mga taga-Israel.At dahil gagawin ko ito,humanda kayo sa pagharapsa akin na inyong Diyos!”13Ang Diyos ang lumikhang mga bundok at ng hangin, at siya rin ang nagpapalipas ng arawpara maging gabi.Ipinapaalam niya sa taoang kanyang mga planoat siya ang namamahalasa buong mundo.Ang kanyang pangalanay Panginoong Diyos ng mga Hukbo.Biblica, Inc.