Amos6
Kahabag-habag ang mga Panatag
1Nakakaawa kayong mga pinunong Zion at Samariana nagpapasarap sa buhayat walang pakialam.Itinuturing ninyoang inyong mga sarilina mararangal na taong nangungunang bansa,at sa inyo nagtitiwalaang inyong mga mamamayangnangangailangan.2Tingnan ninyo kung anoang nangyarisa lungsod ng Calne,ang malaking lungsod ng Hamat,at ang lungsod ng Gat sa Filistia.Mas makapangyarihan ba kayokaysa sa mga kahariang iyon?Mas malawak baang inyong lupain kaysa sa kanila?3Kahabag-habag kayong nag-aakalana hindi darating sa inyoang araw ng pagpaparusa.Dahil sa ginagawa ninyong kasamaan,lalo ninyong pinapadaliang araw na iyonna maghahari ang karahasan.4Kahabag-habag kayongmga pahiga-higa langsa inyong mga mamahaling kama at nagpapakabusog sa masasarapna pagkaingkarne ng batang tupaat ng pinatabang guya.5Kahabag-habag kayong mga kumakathang mga awithabang tumutugtog ng alpaat mahilig tumugtogng mga tugtugin katulad ni David.6Kahabag-habag kayongmalalakas uminom ng alakat gumagamit ng mamahaling pabango,ngunit hindi nagdadalamhatisa sasapiting pagbagsak ng inyong bansa. 7Kaya kayong mga pinunoang unang bibihaginat matitigil na ang inyongmga pagpipista at pagwawalang-bahala.Kinamumuhian ng Panginoon ang Pagmamataas ng Israel
8Sumumpa ang Makapangyarihang Panginoon, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo. Sinabi niya,“Kinamumuhian koang pagmamataasng mga lahi ni Jacob,at kinasusuklamanang matitibay na bahaging kanilang lungsod.Kaya ipapasakop ko sa kaawayang kanilang lungsodat ang lahat ng naroroon.”9Kung may sampung tao na matitira sa isang bahay, lahat sila ay mamamatay.10Kukunin ang mga bangkay na ito ng kanyang kamag-anak at ilalabas sa bahay upang sunugin. Itatanong niya sa sinumang nagtatago sa kaloob-looban ng bahay, “May kasama ka pa riyan?” Kapag ang sagot ay wala, sasabihin ng kamag-anak, “Tumahimik ka! Huwag mong banggitin ang pangalan ng Panginoon.”11Ang totoo, kapag ang Panginoon na ang nag-uutos,mawawasak ang lahat ng bahay,malaki man o maliit.12Makakatakbo baang kabayo sa batuhan?Makakapag-araro baang baka roon?Siyempre hindi!Subalit ginawa ninyong lasonang katarungan,at ang katuwiranay ginawa ninyong masama.13Tuwang-tuwa kayo nang nasakop ninyoang mga bayan ng Lodebar at Karnaim,at sinasabi ninyo,“Natalo natin silasa pamamagitan ng sarilinating kalakasan.”14Ngunit ito ang sagotng Panginoong Diyosng mga Hukbo,“Kayong mga mamamayan ng Israelay ipasasalakay ko sa isang bansa.Pahihirapan nila kayoat sasakupin ang inyong lugarmula Lebo-hamat hanggangsa lambak ng Araba.”Biblica, Inc.