Amos3
Ipinatawag ang mga Saksi Laban sa Israel
1Kayong mga taga-Israel, na ang mga ninuno ay inilabas ng Panginoon sa Ehipto, pakinggan ninyo ang sasabihin niya laban sa inyo:2“Sa lahat ng bansa sa buong mundo,kayo lamang ang aking pinilina maging mga mamamayan ko.Kaya parurusahan ko kayodahil sa lahatng inyong mga kasalanan.”3Maaari bang magsama sa paglalakbayang dalawang taokung hindi sila magkasundo?4Umaatungal baang leon sa kagubatankung wala siyang mabibiktima?Aatungal ba siyasa loob ng kanyang yungibkung wala siyang nahuli?5Mahuhuli ba ang ibonkung walang pain na inilagay sa bitag?At iigkás ba ang bitagkung walang nahuli?6Hindi baʼt nanginginig sa takotang mga tao sa tuwing patutunuginang trumpetana nagpapahiwatig na may paparatingna kaaway?Mangyayari ba ang kapahamakansa isang lungsodkung hindi ito pinahintulutanng Panginoon?7Sa katunayan, hindi gumagawa ng anumanang Makapangyarihang Panginoonna hindi muna niya ipinababatidsa kanyang mga lingkod na propeta.8Sino ang hindi matatakotkung umaatungal na ang leon?Sino kaya ang hindi magpapahayagng mensaheng Makapangyarihang Panginoonkung ang Makapangyarihang Panginoonna mismo ang nagsasalita sa kanya?9Ipahayag ninyo sa mga pinunong nakatirasa matitibay na bahagi ng Asdod at Ehipto,“Magtipon kayo sa mga burolsa paligid ng Samariaat tingnan ninyo ang kaguluhangnangyayari sa lungsod na itoat ang panggigipitsa mga mamamayan nito.”10Sapagkat ito ang sinasabing Makapangyarihang Panginoonlaban sa Samaria:“Hindi sila marunong gumawang matuwid.Ang matitibay na bahaging kanilang lungsoday puno ng mga bagay na ninakawat sinamsam.”11Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon,“Lulusubin sila ng mga kaawayat gigibain ang kanilang mga kampo.Sasamsamin ng mga kaawayang mga ari-ariansa matitibay na bahaging kanilang lungsod.”12Ito pa ang sinasabi ng Panginoon:“Ang maililigtas lang ng isang pastolsa tupang sinisila ng leonay maaaring dalawang paao isang tainga lamang.Ganoon din ang mangyayarisa inyong mga Israelitang nakatira sa Samaria;wala kayong maililigtaskundi bahagi na lamangng inyong magagandang higaan.”13Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko at sabihin din ninyo ito sa mga lahi ni Jacob:14Sa araw na parusahan koang mga taga-Israeldahil sa kanilang mga kasalanan,wawasakin ko ang mga altar sa Betel. Puputulin ko ang sungayng mga sulok ng altar at mahuhulog ang mga ito sa lupa.15Wawasakin koang kanilang mga bahayna pangtaglamigat ang mga bahay na pangtag-init.Wawasakin ko rinang kanilang mamahalin at malalaking bahay,”sabi ng Panginoon.Biblica, Inc.