Amos2
Ang Parusa sa Bansang Moab
1Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Moab:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasalang mga taga-Moab,parurusahan ko sila.Sapagkat sinunog nilaang mga buto ng hari ng Edomhanggang sa maging abo ito.2Kaya susunugin ko ang Moabpati na ang matitibayna bahagi ng Keriot. Mamamatay ang mga taga-Moabhabang nagsisigawanat nagpapatunog ng mga trumpetaang kanilang mga kaawayna sumasalakay sa kanila.3Mamamatay pati ang kanilang hariat ang lahat ng kanyang mga opisyal,”sabi ng Panginoon.Ang Parusa sa Bansang Juda
4Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Juda:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasalang mga taga-Juda,parurusahan ko sila.Sapagkat itinakwil nilaang aking mga kautusanat hindi nila sinunodang aking mga tuntunin.Iniligaw sila ng paglilingkod nilasa mga diyos-diyosangpinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno.5Kaya susunugin ko ang Judapati na ang matitibay na bahaging Jerusalem.”Ang Parusa sa Bansang Israel
6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel:“Dahil sa paulit-ulit na pagkakasalang mga taga-Israel, parurusahan ko sila.Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipinang mga taong walang kasalanandahil lamang sa kanilang utang.Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirapkahit na isang pares lang na sandalyasang utang.7Ginigipit nila ang mga mahihirapat hindi binibigyan ng katarungan.Mayroon sa kanila na mag-amangnakikipagtalik sa iisang babae.Dahil dito nilalapastangan nilaang aking banal na pangalan.8Natutulog sila sa kanilang sambahan na suot ang damit na isinangla sa kanilang mga mahihirap. At nag-iinuman silasa aking templo ng alakna binili galing sa ibinayadng mga mahihirapna may utang sa kanila.9“Ngunit ako, ang ginawa kopara sa kanila na mga taga-Israel,nilipol ko ang mga Amoreo,kahit na kasintaas sila ng punong sedroat kasintibay ng punong ensina.Nilipol ko silang lahatat walang itinirang buhay.10Inilabas ko rin sa Ehiptoang mga ninuno ng mga taga-Israelat pinatnubayan ko sila sa ilangsa loob ng apatnapung taonupang masakop nila ang lupainng mga Amoreo.11“Pinili ko ang ilan sa mga anak nilana maging propeta at Nazareo.Mga taga-Israel, hindi baʼt totooitong sinasabi ko?”sabi ng Panginoon.12“Ngunit ano ang ginawa ninyo?Pinainom ninyo ng alakang mga hinirang kong Nazareo at pinagbawalan ninyoang mga propetana sabihin ang ipinasasabi ko.13“Kaya makinig kayo!Pahihirapan ko kayokatulad ng karitonna hindi na halos makausaddahil sa bigat ng karga.14Kaya kahit na ang pinakamabilistumakbo sa inyoay hindi makakatakas,ang malalakas ay manghihina,at ang mga sundaloay hindi maililigtas ang kanilang sarili.15Kahit na ang mga sundalongnamamana sa labananay uurong.Ang mga sundalong mabilis tumakboay hindi makakatakas,at silang mga nakasakay sa kabayoay hindi rin makakaligtas.16Sa araw na iyon,kahit ang pinakamatapang na sundaloay tatakas na nakahubad,”sabi ng Panginoon.Biblica, Inc.