Mga Salmo140

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.2Nagpaplano sila ng masamaat palaging pinag-aaway ang mga tao.3Ang kanilang mga dilaay parang mga makamandag na ahas;at ang kanilang mga salitaay parang kamandag ng ahas.
4Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupitna mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.5Ang mga hambog ay naglagayng mga bitag para sa akin;naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.
6Panginoon, kayo ang aking Diyos.Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.7O Makapangyarihang Panginoon,kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas;iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.8Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masamaang kanilang mga hinahangad.Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano,baka silaʼy magmalaki.
9Mangyari sana ang masasamang planong aking mga kaawayna nakapaligid sa akin sa sarili nila.10Mabagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga,at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.11Madali sanang mawala sa lupaang mga taong nagpaparatang ng malilaban sa kanilang kapwa.Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.
12Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha,at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.13Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwidat sa piling nʼyo silaʼy mananahan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3