Mga Salmo139

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Panginoon, akoʼy inyong siniyasatat kilalang-kilala.2Alam ninyo lahat, maging ang pag-upo at pagtayo ko;Malayo man kayoʼy batid ninyoang aking iniisip.3Akoʼy inyong nakikitanagtatrabaho man ako o nagpapahinga.Alam ninyo ang lahat ng aking ginagawa.4Panginoon, hindi pa man ako nagsasalitaay alam na ninyoang aking sasabihin.5Lagi ko kayong kasama,akoʼy inyong iniingatan at kinakalinga.6Ang pagkakilala ninyo sa akinay tunay na kahanga-hanga;hindi maarok ng aking pang-unawa.7Paano ba ako makakaiwassa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo?8Kung pupunta ako sa langitay naroon kayo;kung pupunta ako sa lugarng mga patay,naroon din kayo.9At kung pumunta man ako sa silangano tumira sa pinakamalayong lugarsa kanluran,10kayo ay naroon dinupang akoʼy patnubayan at tulungan.
11Maaaring mapakiusapan koang dilim na itago ako,o maging gabi ang liwanag sa paligid ko;12subalit, kahit ang kadilimanay hindi madilim sa inyo, Panginoon,at ang gabi ay parang araw.Dahil para sa inyo,pareho lang ang dilim at ang liwanag.
13Kilala ninyo ako, dahil kayoang lumalang sa akin.Kayo ang humubog sa akinsa sinapupunan ng aking ina.14Pinupuri ko kayosa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.Alam na alam kong ang inyong mga gawaay tunay na kahanga-hanga.15Nakita ninyo ang aking mga butonang akoʼy lihim na hubuginsa sinapupunan ng aking ina  .16Nakita na ninyo ako,hindi pa man ako isinisilang.Ang itinakdang mga arawna akoʼy mabubuhayay nakasulat na sa aklat ninyobago pa man ito mangyari.17O Diyos, hindi ko lubos maunawaanang mga iniisip ninyo;itoʼy sadyang napakarami.18Kung itoʼy aking bibilangin,mas marami pa kaysa sa buhangin.Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.
19O Diyos, patayin ninyo sanaang masasamâ!Lumayo sana sa akinang mga mamamatay-tao!20Nagsasalita sila ng masamalaban sa inyo.Binabanggit nila ang inyong pangalansa walang kabuluhan.21Panginoon, kinamumuhian koang mga namumuhi sa inyo.Kinasusuklaman koang mga kumakalaban sa inyo.22Labis ko silang kinamumuhian;itinuturing ko silang mga kaaway.
23O Diyos, siyasatin ninyo ako,upang malaman ninyo ang nasa puso ko.Subukin ninyo ako, at alaminang aking mga iniisip.24Tingnan ninyo kung akoay may masamang pag-uugali,at patnubayan ninyo akosa daang dapat kong tahakinmagpakailanman.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3